Saturday, June 4, 2011

NBA at Phineas and Ferb fan? TV Addict? Couch potato? Para sayo ito!


Nakakatamad na manood ng TV kumpara dati. Noon, buong araw akong nakaharap sa telebisyon na parang walang pakialam sa buong mundo. Tipong, break ko lang ay jebs/jingle. Kung kakain man ako, sa harap na mismo. Gagawa ng assignment naman ay ... Hindi nga pala ako nakakagawa ng assignment noon dahil sa TV. Ang galing ko diba?


Galing -- yan ang meron ang mga gumagawa ng pinapalabas sa TV. Galing nila umakit, kumuha at umangkin ng atensyon ng maraming tao. Hindi na ako masyadong nanonood dahil nahanap ko na ang pangontra sa kanila maliban na lang kung NBA yan o Phineas and Ferb. Sobrang galing.


-----------------------------------------------------------------------------------------


Sa dami-dami ng palabas ngayon, masasabi kong marami kang matutunan sa telebisyon. Marami kang mapupulot at maigagamit sa buhay -- parang basura, puwedeng irecycle at gawing useful o kaya pangdagdag baho lang sa bahay.  Sa dami ng impormasyon ay kalahati lang ang mabuti. At syempre ang isa pang kalahati ay nakakasama na -- bad influence nga ika nila.


Isang bagay na napansin ko sa mga palabas ngayon ay puro pantasya. Oo, yung hindi makatotoonan. Yung mga fairies na tumitira ng laser mula sa bazooka wands nila, yung mga man-eating monsters na kumakain lang ng puno at yung mga basurang nabubuhay at naghihiganti dahil sa panununog ng pamilya nila. Yan ang fantasy.


Napansin ko kung pano nabubulag ang tao sa katotoonan ng buhay. Sa una, maganda dahil madaling nakakalimot sa kasalakuyang problema at nakakapagpahinga sa buong araw na trabaho. Maganda nga sa simula ngunit nasobrahan na. Mga couples na nagb-break kasi hindi nila makamit ang perpektong relasyon na napapanood lang sa tv. Mga batang natututo manigarilyo dahil humihits ang favorite actor. Mga binatilyong napapa-away dahil hindi daw nakamamatay ang paghampas ng martilyo sa ulo katulad nila Tom at Jerry. Fantasy talaga.


Wala na akong malagay, pasensya na.


Hindi maganda ang sobrang pagtutok sa telebisyon, dahil hindi lahat ay nakakabuti at hindi lahat ay matutuklasan. Wag maging couch potato kasi nakakalaki ng pwet (pero kung yan ang gusto mo, ok lang). Magising sa katotohanan, wag magpabulag sa radiation ng TV. Imulat ang mata sa realidad dahil hindi soap opera ang sagot sa paghihirap ng tao! Tumayo at patayin ang telebisyon at maglakbay! Alamin ang problema at solusyunan! Dahil hindi pain killer ang sagot sa pilay, kung hindi operasyon! Bumangon tayo Pilipinas sa pagkakakulong at pagpapaalipin sa atin ng telebisyon! K Fine Bye!


"It is a mistake to think that you can solve any major problems just with (couch) potatoes" - Douglas Adams

No comments:

Post a Comment