Sigurado akong wala pang nakakabasa ng huling ginawa ko, pero for the sake of writing e hindi ko na yun tatanggalin. Ginawa ko yun e, dapat buong angas kong sabihin na -- Ako gumawa niyan! (Kahit hindi maganda). Ginawa ko yung di kanais-nais na post dahil sa sobrang inis ko sa pinaggagawa ng mga 'lider' natin sa lipunan. Aaminin ko, hindi lahat ay katulad nang pagdescribe ko sa 'Hill wik' pero kadalasan talaga ganoon. Meron pa din namang buong puso at oras ang inaalay para sa kapwa pero mas madami pa din ang buong kamay ang pinapasok sa kaban ng bayan.
Nalimutan ko, retraction nga pala ito pero sino ba ang hindi maiinis sa mga pinaggagawa nila? Ipokrito ako pagsinabi kong -- wag tumawid sa kalsada, kaya nga may overpass. E SINO BANG GAGANAHANG TUMAWID SA OVERPASS NA MAY ESCALATOR PERO HINDI NAMAN UMAANDAR? Kahit ilang metro lang ang layo ng escalatored-overpass sa pinagtatawiran ko e hindi ko talaga gagamitin yun. Hindi ko rin maintindihan kung anong trip nang nagpagawa nun pero kung dahil sa nagtitipid siya sa kuryente 'ok sa ok' lang ang maisasagot ko. Anong punto ng pagpagawa ng escalator kung aakyatin mo pa rin yun nang parang normal na hagdan? Sa tingin ko, tokaruk na naman yan.
Kung tutuusin, parehas kaming mali. Lumubag ako sa batas dahil nag-jaywalk ako, siya naman ay humingi ng pera sa tao para magpagawa ng overpass na may escalator pero hindi rin gumagana.
Isipin mo -- Sino ang unang nagkamali? Ang nang hingi ng pera para magpagawa ng hindi ginagamit na escalator overpass? O yung taong hindi gumamit ng overpass kasi yamot dahil design lang daw yung escalator? Ikaw na ang maghusga.
Ang babaw ko.
Pero ito na yung retraction part talaga.
Mahal tayo ng Diyos, at sa kahit anong paraan ay hindi Niya tayo ibibigay sa demonyo. Maliban na lang kung ikaw mismo ang bumigay sa kanya. Dahil sa sobrang inis ay naisulat ko yung 'Hill wik'. Kung bakit kadamihan sa namumuno ay matatalino. Sila na nga ang may mataas na pinagaralan, sila pa ang gumugulang sa mababa ang naabot. Sila na nga ang mayaman, sila pa ang nagnanakaw. Grabe. Sana naman matablan sila sa daming pamilyang sa kalye na nakatira. Maumay sila sa lechon na kinakain nila sa mga taong tira-tira ang hapunan.
Hindi ko sila sinisisi, medyo lang, pero sana lumambot ang puso nila para sa mga taong konting lang ang kaya.
Tao pa din naman sila, nagkakamali. Sana lang mabigyan sila ng tsansa makilala si Jesus Christ para masaya! Teehee. <3
Napansin mo ba yung naka-bold sa simula? Ginawa ko ito ngayong Rizal day at Father's Day. Happy birthday Rizal, lolo ka na! Happy Father's Day papa, malapit ka na din maging lolo! Oops. Joke lang. :>
No comments:
Post a Comment