Friday, May 6, 2011

Wala akong maisip na title kung hindi "Irony"

Napansin mo na ba kung pano ka pasuin ng yelo? O masaktan sa kakatawa? E magtanong pero alam naman ang sagot? Magisip ng bagay na hindi nagbabago ngunit ang sagot pala ay pagbabago?


Sa buhay natin, may mga bagay na sadyang kabaliktaran ng inaasahan ng tao. Tipong, iba ang resulta sa literal na sitwasyon. O kaya naman yung mga pangyayari na di mo ina-akala yun pala ang kalalabasan.


Ironic moments:


Bata: Peksman! Mamatay man ako! Ma-kidlatan man ako ngayong summer, hindi ako yung umihi sa kama ko! Prrramis.
Biglang tinamaan ng kidlat. Dedbols.


Buls ay! Isa pang kuwento na nabasa ko mula sa text.


Girl: Hon, ikaw ba yung umutot?
Boy: Hindi.
Girl: Weh? Talaga lang a. Di nga, ikaw ba talaga?
Boy: Hindi nga ako.
Girl: Ok lang yan, aminin mo na. Mahal pa din naman kita e.
Boy: Hindi nga talaga ako.
Girl: Wushu. Ikaw nga yun e. Ikaw nga hon!
Boy: O SIGE AKO NA! AKO NA NGA ANG UMUTOT SA LRT! KAILANGAN MO TALAGANG IPAGSIGAWAN? HA?


Kung pano nagiging sikreto ang isang bagay kahit dalawa (o ang buong LRT) ang nakaka-alam. 


----------------------------------------------------------------------


Naranasan mo na bang maging masaya at malungkot sa parehas na bagay? Ako oo. Nararamdaman ko iyon. Hindi ko siya matatawag na ironic moment dahil hindi siya iisang pangyayari lamang. Lifestyle siya. 


Ang pamilya at mga kaibigan ang nagbibigay sa akin ng saya. Kung pano nililiwanagan ang madilim kong araw sa simpleng ngiti, sa maikling joke time ay naalis ang bad vibes ko, at sa konting tawa ay nabubuhat ko ang sing-bigat ng mundo na pasan sa likod. Sila ang rason kung bakit ako gumigising, hindi dahil sa mga bata, hindi dahil sa mga motorista, at hindi dahil sa mga di kilala. Di kasi ako nagne-Nescafe e. Patawad.


Kung pano ako napapasaya ay minsan ganoon din ang paraan kung pano ako napapalungkot. Sa simpleng ngiti, hindi napapansin ang maitim na ulap na namumuo sa ulo ko. Sa joke time, hindi nahahalatang nasasaktan na ako. Sa konting tawa, hindi nakikita kung gaano kakuba na ako sa bigat ng mundo. Oo. Ganun ang buhay, ang mismong minamahal at nagpapasaya ay sila nakakasakit. Irony.


Magisip ng bagay na hindi nagbabago ngunit ang sagot pala ay pagbabago?


Iyan ang hindi ko maintindihan at baka pati ikaw rin kung sakaling dumadaan ka sa parehas na sitwasyon. Nakakainis nga naman kung pa lagi na lang badtrip kasi di sila sang-ayon sayo. Gusto mo ng color green, sila naman fu...fush... fuchsia. Bad trip diba? Minsan gusto mong sabihing -- "Magbago naman kayo. Kahit ngayong lunch lang". Pero hindi ganun.


Iyan ang natutunan ko sa mga nagdaang araw. Hindi sila ang magbabago para sa iyo. Hindi sila ang maga-adjust sa gusto mo. Ikaw. Oo, ikaw! Corny no? Ikaw na nga nahihirapan tapos ikaw pa ang kailangang umintindi. Wala e. Ganun umiikot ang buhay. Kung magbabago man sila para sayo hindi lahat ay makakasundo mo. May mangilan-ngilan pa ring mangbabasag ng trip. Pero kung ikaw ang umintindi at magpakumbaba, may posibilidad pang lahat ay maging ka-vibes mo.


Mahirap nga ang buhay --- Kung wala kang kasama. Don't risk losing your friends and family by being selfish. Understand and care, after all, you love them.

No comments:

Post a Comment