Wednesday, June 22, 2011

Small miracles

Sa wakas! Naipasa ko na rin ang kasalukuyang pinakamahirap na kurso sa buhay kolehiyo ko -- Drawing! Kalahating taon ba namang pinagtyagaan, sinong hindi magsasawa? Ang pagpuyatan, paghirapan at iyakang subject, sinong hindi makakakuha ng mataas na grade? Syempre ako.

3! Pasang-awa. At least pasado!

------------------------------------------------------------------------

AT LEAST.

Isang bagay na napagusapan namin ng Psychology professor ko. Kelan ba dapat makunteto ang tao? Sabi niya, ang tao daw ay may 'in-nature' ng 'wanting something better'. Ibig sabihin ang tao ay hindi nakukuntento. Gutom ang tao sa pagbubuti. Merong kauhawang hindi matapos tapos kahit isang galong ice water pa ang inumin.

Masama ba iyon o mabuti?

Pagisipan, kung hindi natural na gutom ang tao ay malamang dala-dala mo kung saan-saan ang landline phone mo. O kaya naman, imbis na sa computer mo binabasa ang blog na ito ay ... Wala. Baka wala nga itong blog na ito. O baka, abacus pa din ang ginagamit ng mga big time na magnanakaw para sa pagbilang ng yaman nila. Diba? Hassle ang mundo.

So ibig sabihin, mabuti!

Hindi ko alam.

Bakit may mga taong tumatanda iisa lang ang ginagawa? May mga taong nagiging parang kabayong may 'blinders', yung sinusuot sa ulo ng kabayo para hindi makakita ng kahit anong bagay kung hindi ang nasa harapan. Bakit ganon? Bakit may mga taong hindi makuntento at pilit na tumutulak? Pano kung hindi na talaga puwede? Pano kung iyon na talaga iyon? Pano kung bundok na ang nakabangga pero pinipilit paring pagalawin? May mga tao na kasi akong nakitang bumagsak sa pagod dahil gustong mangyari ang pinagbabawal ng langit. Pagsinabing bumagsak, ang ibig sabihin ko ay dedbols.

O baka naman kulang lang sa pursigi?

Hindi ko pa din alam.

E kelan natin malalaman na dapat na tayo tumigil? E Likas pa naman sa atin ang maging gutom, gutom sa mas maganda at mabuting bagay. Siguro nasa tao na iyon kung kelan malalaman ang 'tama na' at 'sige pa'.

Sa dulo, ikaw pa din ang olats pagwala kang ginawa. Siguro dapat bukas pa lagi ang utak at puso. Hindi pwedeng utak lang, o kaya puso lang ang nakikinig. Dapat sabay! Mag-isip at makiramdam. Sundin ang pangarap ngunit tingnan ang limitasyon. Maging maunlad pero iwasan ang bawal. Gawin ang gusto pero alamin kung tama. Puso. Isipan.

Oha, at least may sagot ako sa tinanong ko.

No comments:

Post a Comment