AMBITION. Yan ang main theme ng palabas na The Bucket List, mga gustong gawin bago mamatay. Dahil sa malungkot pero magandang movie na iyon ay gagawa din ako ng sarili kong bucket list. Hindi pa naman ako mamamatay, nagbabaka sakali lang. Malay mo paggising ko, gwapo na ko, edi nagunaw mundo nun! Kaya better safe than sorry. Connect?
Unang listahan ko ito (Hindi counted ang New Year's Resolution dahil alam kong pa-pampam lang yun at hindi natutupad), kaya pagbigyan niyo na lang ako kung medyo malayo sa pagkakatupad ang mga nakalista. So eto na:
- Maging isang NBA player. Oo, pangarap ko yan simula nang pagkabata ko. Unang pagkakataon kong maglaro ay noong prep ako, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay bano pa rin ako sa tinaggal ko nang naglalaro. Hindi rin ako katangkaran kaya lalo akong nalulungkot tuwing naalala ko ang ambisyong ito. Medyo unrealistic man pero umaasa pa din. Baka mahipan ng magandang utot at biglang maging matangkad. Ok na ang 5'9" pero mas ok kung mas matangkad.
- Maging macho pero sexy. Kamakailan ko lang ito naging ambisyon. Alam mo yung machete na katawan? Gusto ko nun! Yung tipong Lebron-James-body, palag na yun! Disclamer lang a, hindi ako bakla. Gusto ko lang maranasan yung katawan lang ang habol ng babae saken. Lagi na lang kasi yung charmingness, good-looks, kabaitan, katalentado at katalinuhan ko. Kung napansin mong imbento ko lang ulit yung huling sentence, sakay ka na lang.
- Magkaroon ulit ng uno (1). Kelan nga ba ang huling uno ko? First term ng unang taon pa. Ang tagal na! Magse-second year na ko (maliban na lang kung hindi malasin) at ni-1.50 wala pa akong nakukuha (kasama na PE at NSTP a). Gusto ko maging astigin ulit ang dating. Tipong, "Wow! Ang galing mo naman, naka-uno ka sa CWTS? Idol talaga kita!". Mahirap nga lang abutin ito ng walang sipag, friends at malinaw na mga mata.
- Gusto kong yumaman. Gusto ko maranasang pumunta ng school nang nakasasakyan. Hindi lang yung simpleng sasakyan na atras-abante, gusto ko yung parang kay Eddie Guerrero - tumatalon at sumasayaw! At may busina na parang sa Selecta/Magnolia! Pagtitingnan ka ng tao kasi big time ang itsura mo. At tsaka marami kasing chicks basta may tsekot ka e gwapo ka na. Tapos laging tanong ng mga 'dudes' mo: "Yow Brix! Where are we going to eat? Yellowcab? BK? Max? Where do you want?" Tapos ang isasagot ko: "English? English talaga?! Kay Manang's tayo!"
- Magkaroon ng sariling foundation. Namulat ako ng sinubaybayan ng nanay ko ang Wish Ko Lang - Gusto kong makatulong! At kung nag-aaral ka din sa Maynila ay malamang normal na pananaw na sayo ang mga batang walang damit at nanghihingi ng pagkain, matatanda na nakahiga sa daan at mga asong kinakain ang sariling jebs. Nakakaawa sila dahil kadamihan dyan ay hawak pa ng sindikato at pinaglilimos para sa sariling kapakanan. Naiinis ako at wala pa akong sapat na kakayahan para tumulong at alalayan ang mahihirap. Kaya pagyumaman ako, magkakaroon na ng 'PUF' (Pilipinas Unlad Foundation)! Oha?
- Maging sikat na manunulat. Isang bagay na alam kong hindi ko makakamit, hindi dahil gwapo lang ako pero dahil wala akong talent sa pag-gawa ng may sense na mga bagay. Malaking example ko na ang listahang ito, sino ba ang may interes basahin ito? Anung maitutulong nito sa pagunlad ng society? Masasagot ba nito ang malaking debate sa RH Bill? Malulunasan ba nito ang sakit na kahirapan? Mabubuking ba nito ang mga kagahaman ng ating nakakataas? O malaking pagsasayang lang ito ng oras, kuryente at internet space?
- Gusto kong makipag-dinner kasama si Jesus at si God. Sa lahat ng naka-lista dito, ito ang pinakasure-ball ko. Kung tutuusin nga e, may schedule na kami. Nakakatuwa lang dahil surprise daw nila saken ang date na yun. Baka magulat na lang ako e bukas na kaya handa na ko. Pero kung gusto mong makasama din sa reunion party namin, all you need to do is accept Jesus Christ as your lord and savior. Kung di mo pa masyadong alam kung pano yan, dalaw ka sa CCC tambayan nandun ako! Dala ka na rin ng pagkain para masaya. Kkk~!
Ito ang pitong gusto kong mangyari sa buhay ko. Alam kong hindi ka interesado at malamang lamang ay nagkamali ka ng pindot at napunta ka dito. O kaya naman ay pinilit kitang magbasa kasi magkaibigan tayo.
Ang ambisyon ay di nawawala sa isang karaniwang tao. Ito ang basehan ng tao sa gusto niyang maging pagtanda. Meron tayo nito dahil alam nating ito ang klase ng buhay na ikasasaya natin. Kaya kung ako sayo, alamin mo na ang gusto mong mangyari bago ka maabutan ng oras at uugod ugod na. Habulin natin ang mga pangarap! Baguhin ang mundo! Go Philippines! Go Earth!
"Nothing can stop the man with the right mental attitude from achieving his goal; Nothing on earth can help the man with the wrong mental attitude."
-Ang tropa kong si Thomas Jefferson.
ayos par... ahahaha comment lng sa number 6 ahahahaha par d mo naman kailang ng talent sa pagsulat ehh... bsta lagay lng ng lagay ng iyong nadarama yan ang payo sakin ng isa magaling na manga-ka (manga artist) ahahaha go with "YOUR" own flow that I'd say^^,
ReplyDelete~Dei^^,