'Hell week na naman!'
Iyan ang number 1 quote ngayon sa school namin. Ibig sabihin niyan maglalabasan na naman ang nakakatakot na exams, engkanto kung ngumiti na profs at kagimbal-gimbal na singko. Oha, hell na hell?
Naalala ko sa isang instructor ko sa Filipino, tuwing naririnig niya ang 'hell week' ay naiirita siya. Ang tanong niya sa mga nagsasabi ay -- 'Pano mo malalaman ang hell week? Nakapunta ka na ba sa hell? Anu feeling sa impyerno? Ramdam mo ba?'
Ang taray ng sagot pero may punto. Nakapunta ka na ba ng hell para malaman ang pakiramdam at naikukumpara mo ito sa isang linggo? Feeling ko hindi pa, kung oo, talaga bang mainit dun? Nakakapayat ba na parang sauna? Ayos, pwede pala akong magbawas dun.
-------------------------------------------------------------------------
Kung tutuusin, totoo ang hell. Sabi daw nila sobrang init sa lugar na iyon. Parang sa Pinas, umabot na sa 36 degrees Celsius ang temperatura dito. Ang daming nagrereklamo sa init (pati ako) pero ang mga nagrereklamo din naman ang nangunguna sa listahan kung bakit galit si haring araw.
Sabi daw nila puno ng lungkot at hinagpis ang lugar na iyon. Well, umikot ka sa Maynila o kaya sa bahay-bahay lang sa komunidad ninyo. Tanungin mo sila, masaya ba sila sa buhay nila? Malamang lamang ay nasa kalahati ang sasagot nang oo, o kaya naman ay baka mas mababa pa.
Marami daw ang demonyo at masasamang nilalang sa paligid. Meron din niyan sa Earth! Pero casual ang mga demonyo dito, naka-damit, may bling-bling, at may katrops. Iba trippings nila e, hindi katulad ng mga demonyo sa impyerno. Trip nila manghablot ng bag, manghila ng earrings at noserings, pati na rin mambaklas ng gulong ng sasakyan!
Sa hell daw, may isang namumuno. May dalang fork na malaki at nangingibabaw sa lahat ng kasamaan. Sikat daw siya doon at celebrity! First class daw lahat. Pero nakita ko na din ata yan. Naka-billboard pa nga e! Celebrity din siya dito --- magarang bahay, magarbong kotse at maraming pagmamay-ari. Meron din siyang fork! Kaya nga katabaan e, walang ibang ginawa kung hindi bigyan sarap ang sarili. At nangingibabaw din siya sa maraming tao, dinidikta ang mangyayari, kinukupitan ang tao, pinapapatay ang hindi ka-vibes at pinapatumba ang lahat ng humahadlang. Big boss na big boss! Kulang na lang yung sungay at buntot, pero feeling ko pinaputol niya yun para hindi halata.
Kaya kung sino man magsabi na hindi totoo ang hell --- tingin ka sa paligid mo. May naghihirap, may nagpapahirap, at may nagpapasarap. Kung hindi yan hell, ano nga ba?
No comments:
Post a Comment