Friday, June 10, 2011

MAELH

Sabi ng nagiisa kong masugid at mabait (pinagtyatyagaan niya ko) na reader masyado daw 'wordy' ang blog ko. Naisip ko naman, hindi ba ganun ang blog puro salita? Pano mo maipapahatid ang isang bagay na kailangan ng mapinong pagsulat para maintindihan ng iba? Pero dahil dumadami na naman ang salita sa post, ilalagay ko na ang picture. Para maiba.


Credits to sir Steno Padilla. Sa kanya talaga ang picture. Sa totoo nga e, sa kanya din ang braso at bottle na makikita sa lower right corner. At hindi niya din alam na ginamit ko ang picture niya. Shh! Wag ka maingay a? Para hindi ako matawag na magnanakaw -- Sir Steno, sa inyo to. Gusto ko lang ipakita sa iba ang macho mong braso. Thank you.

Obvious na hirap akong magcontain ng salita, credits na nga lang tatlong linya pa.

Sigurado akong natawa ka sa nakita mo. Sino bang hindi matatawa? Exclamation point na nga lang dadalawa pa!! Aaminin ko natawa din ako, halakhak pa nga. Pero sa kabilang side ng utak ko, oo may right hemisphere ang utak ko! Naisip kong hindi ba nakakabahala na ito? Simpleng 'vindors' na nga lang na makikita mo kung saan saan ay minali pa. Pero ok din a, 'standbye' nakatayo ka habang magpapa-alam. Tapos nakakita pa ako ng isang name board ng sikat na kainan sa amin, ******'* deligth, ang nakasulat. Ewan ko kung ano mali niyan, trip ko lang talaga ilagay yan.

Isa ang Pilipinas sa mga matataas ang literacy rate sa mundo. Ayon sa indexmuni.com ang rangko natin ay 103. Hindi na masama yun sa daan-daan pang bansa. 92.6% ang literacy rate natin, ok sa ok!

Senyas na ba ito ng unti unting pagbaba ng katalinuhan ng Pilipino? O sadyang madalas lang magkamali sa english ang Pinoy kasi hindi naman ito atin?

Ang ending? Puro salita pa din.

1 comment:

  1. Nawala kinomment ko. HUHU! Kainis. Itataype ko nalang ulit naalala ko. Teehee. <3 Sabi ko, magaling ang pagkakagawa kasi witty at funny. Umiwas ka sa masyadong mabibigat na salita na mabigat minsan kunin bilang isang mambabasang mahirap makuha ang attensyon. Gumamit ka ng "sarcasm" upang magbigay diwa sa mga nababagay na mabigat sa usapin. Well done! At patuloy pa ako magbabasa sa iyong blog. -A.

    ReplyDelete