MIGHTY LOVING POWER PARENTS!
Kung bakit ako gumawa ng tungkol sa magulang ko -- di ko talaga alam. Kasalukuyan kasi akong namromroblema sa academics. Naawa ako sa sarili dahil wala akong magawa para lunasan ang problema. Lalo kong naalala na hindi ako ang nagpapaaral sa sarili ko. Ang nanay at tatay (and relatives) ko ang nagbibigay sa akin ng pagkakataon para may mailagay naman ako sa utak kong naka-tengga na walang ibang ginawa kung hindi magsulat ng walang sense na blog.
Dito na papasok ang roles ng mga magulang ko sa unti-unti kong pagbigo sa pagaaral. Hindi pa naman ako magaadik pero malapit lapit na din akong maging 'super' irregular. (Take note: super)
Ang lungkot tuwing naaalala ko na ang tatay ko ay sumasakay ng barko para ibuwis ang buhay niya mula sa mga basag trip na mga pirata/bandido, gumugugol nang oras malayo sa pamilya at inuubos ang lakas para lang mabigyan kami ng maginhawang buhay. Badtrip at masaya isipin sa parehas na paraan kung ako ang tatay at malaman-laman kong gumagawa ang anak ko ng essay imbis na tapusin ang research work sa English. Iniidolo ko ang tatay ko, bayani ko siya. Siya ang nagligtas sa amin mula sa paghihirap. Binibigyan niya kami ng landas para sundan upang hindi namin maulit ang mga pagkakamaling naranasan niya. Ok sa ok ka pa!
At para maging fair sa nanay ko ay idolo ko din siya. Kung gaano ko tinitingala ang papa ko ay ganoon din ang mama ko! Lumihis siya sa mga pangarap niya at gumawa ng bago para sa amin. Binigay niya ang sariling ambisyon para sa aming ambisyon. Siya ang nagaaruga sa amin nung kami'y hindi pa marunong maghugas ng pwet. Siya ang nagturo ng mabuting asal at pagkatao sa amin. Oo! Mabait ako! Sakay na lang kayo! Salamat inay sa walang humpay mong pagaalaga kahit minsan ay nasa kaduluduluhan ka na ng iyong pasyensya. Ok sa ok ka din ma!
Kaya ko ito sinulat dahil sa gusto kong gawin na ang lahat (simula ngayon) para mabayaran, masuklian at mapasalamatan ang mga ginawa nilang paghihirap para sa amin. Ako naman ang magaalaga at maghihirap para mabigyan ko kayo ng kinamimithi niyong masaya at maginhawang buhay. Kayo ang hero ko!
P.S.
Habang nagaaral pa ako, kayo po muna ang bahala a? Joke!
Family pic. Hulaan niyo saan ako diyan. Kung sagot mo yung nasa kanan, mali ka. Ako yung kumuha ng pic.
Kaya mo yan! Galingan mo! :D Nadaya mo height mo! HAHAH! :D
ReplyDelete