Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Friday, August 12, 2011

Art

Finally! May iba na ding pinaguusapan sa Pilipinas! Hindi disappearing funds, fast hands, magic helicopter at breast implants. Medyo bago, tungkol naman sa sining.


Ang usap-usapan ngayon ay ang tinuturing ni Mideo Cruz na 'art'. Naghakot ito nang sandamakmak na reaksyon mula sa Katoliko at art fans, may masama at may pangpipilosopo. Binuksan ang isang segment ng CCP na nagngangalang 'Poleteismo' para tanggapin ang malaswang utak ni MC. Oo, sa salitang malaswa alam mo nang tutol ako. Lagyan ba naman nang etits ang pinaniniwalaan mo, sinong hindi mababadtrip? Ikaw kaya?


Pero wala ako sa lugar para husgaan ang puso at inspirasyon ni Mideo sa tinuturing niyang art. Sabi nga nila, art is everything. Lahat ay art. Walang konkretong depinisyon. Mapa-ganda o mapa-hirap intindihin, ito ay art. Siguro iyon ang issue sa ating mga tao ngayon, na ang art ay dapat maganda lamang. Siguro oo, siguro hindi. Ewan.


Freedom of expression! Kaya kahit mabuti o hindi, puwede! Kasi meron tayong batas na freedom of expression. Murahin ko kaya ang presidente? Puwede! Kaso kung ako murahin niya? Bawal! Edi kelan natin malalaman ang linya mula sa paglalabas nang saluobin at pangbabastos? Ewan ulit.


Tinanong ko si Mideo Cruz kung bakit ganun ang art niya. Sabi niya na gusto niyang makakuha nang atensyon at magbigay nang pagiisipan ang tao. Swak na swak ang mga rason niya. Napaisip ang tao! - kung pano siya bawian, saktan nang mga nabastos. 2002 pa nga yung ganyang art niya e, nanalo pa siya dati ng awards sa lagay na yan. E bakit ginagawang malaking issue yan ngayon? Dahil sa media. Ang malulupit na salarin. Kayang magpalaki nang isang bagay at kayang magpaliit nang higante. Iba talaga.


Siguro ang punto ko lang sa huli ay hindi lahat Katoliko at hindi lahat artist. Puwede niyang gawin ang ginawa niya, nagawa na nga niya e! May mga taong may pinaniniwalaan at may mga taong walang pinapaniwalaan. Sana hindi na lang niya ginamit ang pinaniniwalaan ng mga tao na paksa sa malaswang tema. May freedom of expression nga siya sana inisip niya kung may matatapakan o wala. So wag na lang kaya mag-art kasi kahit anong mangyari may tututol? WAG. Importante ang nagawa nang sining sa mundo. Siguro dapat maging sensitibo lang tayo sa mga ginagawa natin.


Kung pinapaniwalaan mo nga si Jesus Christ, hayaan mo na Siyang humawak sa mga bagay bagay. Wag na tayong makipagaway kasi hindi yan ang turo. Respeto ibigay kay Mideo, malay mo, respeto din ang ibalik niya. Art is everything. But Jesus is more than anything. Chill ka lang.

Sunday, July 17, 2011

Mayamang naghihirap

Basahin:


Bett'r.                  Be-ter.            -             Better.
Elev'n.                 Eleben.            -             Eleven.
K-dn't.                 Koo-dent.        -             Couldn't.
Lips.                    Leps.              -             Lips.
Rool'r.                  Roler.             -             Ruler.


Sa pangalawang column nahahanay kung pano ko basahin at sabihin ang mga salita. E wala e, Filipino accent yan. Kala nila sila merong accent, meron din tayo kaso ang tawag pala natin hindi Filipino accent - Karabaw English.


Napakalaking issue sa atin ang pagbigkas ng tao. Bakit ba nakakatawa pag meron tayong kaklaseng ang basa sa fish ay "pish"? Anong masama dun? Alam mo namang isda ang binabasa. Tinderong nalulugi dahil ang sigaw ay "do not buy!" kesa sa "donut buy!". Baka nga mahirap tayo dahil hindi tayo marunong mag-Inglish.


Sa dami-daming problema ngayon ay sobrang pinoproblema ng tao ang pagiging matalas sa ingles. E bakit pag nagkakamali tayo sa Tagalog walang kibo lang? E anowz pakialam mowz?


Kung kutyain natin si Pacman parang hindi tayo nagkakamali sa pagsasalita. Sabi nga ni Lourd de Veyra - "Kaya nga siya tinawag na Pambansang Kamao at hindi Pambansang grammarian. Helloooo?". Tama siya. Bakit natin siya huhusgahan, yun ba ang dapat niya tinutuunan ng pansin? Pag-iingles? E bakit si Jackie Chan, hindi magaling mag-ingles pero napigil ba ang movie career niya? Hindi.


Kung sa bagay, tayong mga Pinoy lang naman ang pinagtatawanan ang sariling kapwa. Tayo lang naman ang humihila sa umaasenso. Tayo lang naman ang mayaman na naghihirap. Nagkakaintindihan naman tayo, ano ang problema? Sabi nga ni Pacman - "It doesn't matter of the grammar as long as you understand the message thanks". Ayan ang lamang ni Manny sa normal na Pilipinong hangad ang maging asensado. Hindi nahihiya. Walang takot.


So, if you don't still understanding what I have wrote you will never reach rich.

Thursday, July 7, 2011

Ang tunay na salot?

Sa dami-dami nang trabahong puwedeng pasukan bakit ang pagsusulat pa?


Gusto kong itanong sa mga writers yan dati. Kahit dati, may respeto na ako sa kanila. Wala ka ba namang ibang gawin kung hindi magsulat at magpalaki ng pwet. Ibuwis ba naman ang buhay nila sa boredom, sinong hindi hahanga? Pero iba't iba ang antas ng paghanga ko sa mga iba't ibang writers. Depende syempre sa mga sinusulat nila. 


Kung kaya mong magpatawa gamit mga salitang nakasulat sa papel, taas ng tingin ko sayo. Kung kaya mong magbigay ng katotohanan nang hindi nakakaantok, mataas din. Kung kaya mong ilahad ng buong tapang ang kamalian ng isang grupo ng taong may kapangyarihan, aba, puwede na kitang sambahin. Kung magsusulat ka ng katulad nung huli, siguraduhin mong nakahanda na ang mga insurance mo.


Tawag nang ibang tao sa mga manunulat ay duwag. May punto sila, e kung may gusto kang iparating ba't hindi mo kusang gawin. Sabi nga nila, actions speak louder than words. Ang tapang sa papel pero pagkaharap na, ang amo. Kung makapintas gamit tinta, akala mo perpekto. Siguro nga duwag sila, kung totoo naman ang nakasulat bakit matatakot?


Salot nga siguro, wala na ngang magandang idadag may lakas loob pang-mangutsa. Ang lakas na nga ng apoy ng kahirapan, gagatungan pa. Paubos na nga ang mga puno natin, gamit pa din ng gamit ng papel. E kung mawala na lang sila? Wala naman silang naitutulong e? Nakakaantok pa.


Mawala na nga dapat, e pano sina Rizal? Kung di dahil sa Noli Me Tangere at El Fili niya malamang presidente natin si Pau Gasol. Kung wala sina Harriet Beecher Stowe? Siguro ngayon alipin pa din ang mga nigga friends natin. E si Charles Darwin? Siguro hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit mahilig sa saging ang tao. Si William Shakespeare? Siguro hindi sumikat ang Twilight dahil sa mga love stories niya. E yung mga Christian monks? Siguro sinasamba natin ngayon ay buwayang maraming pera. J.K. Rowling? Baka bampira ang namumuno sa mundo! Bob Ong? Baka wala kang binabasang magandang libro. E ako?! Malamang-lamang hindi kumpleto buhay mo. 


IMAGINE, WALANG TAMAANG PARAAN NG PAGSAYANG ORAS?! OH MY GULAY.


MUNDO NG WALANG TAMAANG PARAAN NG PAGSAYANG ORAS IS UNACCEPTABLE!! THIS OUTRAGEOUS! THIS IS SPARTA! GWAPO AT MAGANDA LAHAT NG MANUNULAT! RESPETO! IMPORTANTE ANG PAGSUSULAT! GRABE! JOKE TIME LANG LAHAT NG NAKASULAT SA TAAS! HINDI SALOT ANG MGA MANUNULAT, IMPORTANTE SILA! Pero salot ba kamo? Check mo to: kurakot.

Sunday, July 3, 2011

Rason kung bakit tumatalino ang bata.

Who lives in a pineapple under the sea?
Absorbent and yellow and porous is he.
If nautical nonsense is something you wish.
Then drop on the deck and flop like a fish.



SPONGEBOB SQUAREPANTS!!


POTEK. Paborito ito ng kapatid at ng pinsan ko. Paborito ko din ito nung bata pa ako pero mababaw pa ang pagkakaintindi ko sa mga bagay - bagay nun. Basta cartoon, impossible-mangyari at 'muntanga' ang palabas, nasosolb na ko! Ngayong medyo naging mature at gwapo na ako, napansin ko na may ibang dako ang naturang palabas kesa sa pagpapa-tawa at pag-mumuntanga. 


Napansin mo ba kung pano pinapakita kung gano ka 'bobo' si Spongebob? Ni-simpleng baliktad lang ang pantalon, hindi pa napansin. Ma-abilidad na karakter si Spongebob pero madaling malihis sa gawain. Sinasalamin ba nito ang kabataan ngayon? Alam nating marami ang kapabilidad ng isang tao pero dahil madali silang nabubulag sa mga 'anxiety' ng mundo ay nababaliwala lahat at nagmumuntanga na lang sila.


Isa pa si Squidward. Alam nating siya ang iritadong kapitbahay nung espongha. Kahit gaano ka-perpekto at planado ang mga 'endeavors' niya ay present palagi si Spongebob para sirain ito. Kadalasan, natatapos na lang ang palabas na pagod si Squidward sa kakasigaw, kakapilit itama ang minali at pa-alisin si Spongebob. Makikita din ang matinding galit at yamot ni Squidward sa bawat episode. Hindi ba't pinoportray niya ang kasalanang  anger?


Si Patrick naman yung starfish. Daring at bold itong si Patrick. Parehas sila ni Pooh, pinagkaiba lang - bottomless si Pooh tapos topless naman si Patrick. Pang-FHM ang outfits nila. Kung gaano katamad si Patrick ay parang ganun din si Juan. Walang ibang ginawa kung hindi matulog at magpasarap kaya tingnan mo ang Pinas. Parang lalakeng nakahiga.


Last na to. Si Mr. Krabs naman ang 'epitomy' ng gobyerno. Kurakot. Joke lang yun syempre. Wagas na greed ang pinapakita niya sa palabas. Grabe ang hilig niya sa pera, na kaya niyang isugal ang buhay para lang sa barya. Basta pera walang tatalo kay Mr.Krabs.

Hindi ko sinasadya sirain ang pagka-bata mo kasi pati akin sinira ko. Hindi ko sinasadya din makita sa ganitong paraang ang sikat na show pero ito ba ang gusto mong ipamulat sa anak mo? Sabi nga ng maraming mananaliksik, kung ano ang pinapanuod ng isang bata ay yun din ang kalaunang ginagaya. Kaya pala kami nagwre-wrestling ng mga pinsan ko, dahil sa Teletubbies. "If nautical nonsense is something you wish." -- Theme song pa lang panalo na, obvious kung ano ang pinapalabas - nonsense. Gusto mo bang dalhin nila ang ka-clumsy-han ni Spongebob? E yung katamaran ni Patrick? E magbuo ng puot katulad ni Squidward? O maging politiko katulad ni Mr.Krabs? Siguro naman hindi diba? Kaya kung ako sayo, papanuod mo na lang sa anak mo WWE! Soap opera na, reality pa!



Sunday, June 5, 2011

The Bucket List

Napaaga ata ang paggawa ko ng bagong post. Sa sobrang katamaran ko ay nae-enjoy kong gumawa ng bagong mashashare sa inyo, para sa milyong-milyon kong mambabasa. Pero ang huli kong sentence ay obvious na pauso ko lang.

AMBITION. Yan ang main theme ng palabas na The Bucket List, mga gustong gawin bago mamatay. Dahil sa malungkot pero magandang movie na iyon ay gagawa din ako ng sarili kong bucket list. Hindi pa naman ako mamamatay, nagbabaka sakali lang. Malay mo paggising ko, gwapo na ko, edi nagunaw mundo nun! Kaya better safe than sorry. Connect?

Unang listahan ko ito (Hindi counted ang New Year's Resolution dahil alam kong pa-pampam lang yun at hindi natutupad), kaya pagbigyan niyo na lang ako kung medyo malayo sa pagkakatupad ang mga nakalista. So eto na:

  1. Maging isang NBA player. Oo, pangarap ko yan simula nang pagkabata ko. Unang pagkakataon kong maglaro ay noong prep ako, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay bano pa rin ako sa tinaggal ko nang naglalaro. Hindi rin ako katangkaran kaya lalo akong nalulungkot tuwing naalala ko ang ambisyong ito. Medyo unrealistic man pero umaasa pa din. Baka mahipan ng magandang utot at biglang maging matangkad. Ok na ang 5'9" pero mas ok kung mas matangkad.
  2. Maging macho pero sexy. Kamakailan ko lang ito naging ambisyon. Alam mo yung machete na katawan? Gusto ko nun! Yung tipong Lebron-James-body, palag na yun! Disclamer lang a, hindi ako bakla. Gusto ko lang maranasan yung katawan lang ang habol ng babae saken. Lagi na lang kasi yung charmingness, good-looks, kabaitan, katalentado at katalinuhan ko. Kung napansin mong imbento ko lang ulit yung huling sentence, sakay ka na lang.
  3. Magkaroon ulit ng uno (1). Kelan nga ba ang huling uno ko? First term ng unang taon pa. Ang tagal na! Magse-second year na ko (maliban na lang kung hindi malasin) at ni-1.50 wala pa akong nakukuha (kasama na PE at NSTP a). Gusto ko maging astigin ulit ang dating. Tipong, "Wow! Ang galing mo naman, naka-uno ka sa CWTS? Idol talaga kita!". Mahirap nga lang abutin ito ng walang sipag, friends at malinaw na mga mata.
  4. Gusto kong yumaman. Gusto ko maranasang pumunta ng school nang nakasasakyan. Hindi lang yung simpleng sasakyan na atras-abante, gusto ko yung parang kay Eddie Guerrero - tumatalon at sumasayaw! At may busina na parang sa Selecta/Magnolia! Pagtitingnan ka ng tao kasi big time ang itsura mo. At tsaka marami kasing chicks basta may tsekot ka e gwapo ka na. Tapos laging tanong ng mga 'dudes' mo: "Yow Brix! Where are we going to eat? Yellowcab? BK? Max? Where do you want?" Tapos ang isasagot ko: "English? English talaga?! Kay Manang's tayo!"
  5. Magkaroon ng sariling foundation. Namulat ako ng sinubaybayan ng nanay ko ang Wish Ko Lang - Gusto kong makatulong! At kung nag-aaral ka din sa Maynila ay malamang normal na pananaw na sayo ang mga batang walang damit at nanghihingi ng pagkain, matatanda na nakahiga sa daan at mga asong kinakain ang sariling jebs. Nakakaawa sila dahil kadamihan dyan ay hawak pa ng sindikato at pinaglilimos para sa sariling kapakanan. Naiinis ako at wala pa akong sapat na kakayahan para tumulong at alalayan ang mahihirap. Kaya pagyumaman ako, magkakaroon na ng 'PUF' (Pilipinas Unlad Foundation)! Oha?
  6. Maging sikat na manunulat. Isang bagay na alam kong hindi ko makakamit, hindi dahil gwapo lang ako pero dahil wala akong talent sa pag-gawa ng may sense na mga bagay. Malaking example ko na ang listahang ito, sino ba ang may interes basahin ito? Anung maitutulong nito sa pagunlad ng society? Masasagot ba nito ang malaking debate sa RH Bill? Malulunasan ba nito ang sakit na kahirapan? Mabubuking ba nito ang mga kagahaman ng ating nakakataas? O malaking pagsasayang lang ito ng oras, kuryente at internet space?
  7. Gusto kong makipag-dinner kasama si Jesus at si God. Sa lahat ng naka-lista dito, ito ang pinakasure-ball ko. Kung tutuusin nga e, may schedule na kami. Nakakatuwa lang dahil surprise daw nila saken ang date na yun. Baka magulat na lang ako e bukas na kaya handa na ko. Pero kung gusto mong makasama din sa reunion party namin, all you need to do is accept Jesus Christ as your lord and savior. Kung di mo pa masyadong alam kung pano yan, dalaw ka sa CCC tambayan nandun ako! Dala ka na rin ng pagkain para masaya. Kkk~!
Ito ang pitong gusto kong mangyari sa buhay ko. Alam kong hindi ka interesado at malamang lamang ay nagkamali ka ng pindot at napunta ka dito. O kaya naman ay pinilit kitang magbasa kasi magkaibigan tayo.

Ang ambisyon ay di nawawala sa isang karaniwang tao. Ito ang basehan ng tao sa gusto niyang maging pagtanda. Meron tayo nito dahil alam nating ito ang klase ng buhay na ikasasaya natin. Kaya kung ako sayo, alamin mo na ang gusto mong mangyari bago ka maabutan ng oras at uugod ugod na. Habulin natin ang mga pangarap! Baguhin ang mundo! Go Philippines! Go Earth!

"Nothing can stop the man with the right mental attitude from achieving his goal; Nothing on earth can help the man with the wrong mental attitude."
-Ang tropa kong si Thomas Jefferson.

Saturday, March 26, 2011

KJ ka sa earth hour? Basahin mo to!

AYAW KO MAG-EARTH HOUR!

Ayan ang ilan sa mga narinig ko ngayong padating na 8:30, March 26, 2011. Ayaw nilang mag-earth hour, nakakatawa pakinggan ngunit alam mo naman siguro ang ibig sabihin niyan. Di ko alam kung bakit o ano ang rason nila at tumiwalag sila sa taunang tradisyon upang masalba ang mundo natin.


Para malaman mo na din kung anung meron sa earth hour. Ginawa itong earth hour dahil lumalala na ang global warming. Isang paraan ito para maging maalam ang tao na nanganganib na ang tinitirahan nating planeta, ang Earth. At bawasan naman ang pamumutas sa ating ozone layer.

Konti lang naman ang hinihingi sa earth hour e, patayin ang ilaw at di ginagamit na aplayanses nang isang oras. Oo, isang oras. Mahaba ba yun? Kaya sa mga taong ayaw sumama sa anuwal na pangyayari, bibigyan ko kayo ng pwedeng gawin habang nakapatay ang ilaw. Para di naman kayo ma-BV dahil wala kayong ginagawa.


1. Star gazing. Isa ito sa mga pinakamagandang gawin habang patay ang lahat ng ilaw. Mas madaling makikita ang mga bituin dahil mas konti ang nakabukas na ilaw. Dahil din sa light pollution kaya bihira ng makita ang mga tala kahit klir ang langit. Puwede ring family bonding!

2. Umupo sa front porch at mag-usap usap. Kung wala kayong front porch, pagawa kayo!  Joke. Maganda sigurong lumabas muna, lasapin ang hangin, palunod sa ilaw ng buwan, at magusap. Kung busy ka sa trabaho, magandang pagkakataon ito para makapaghabol sa mga nalampasang  pangyayari. Kung wala ka namang trabaho, magusap na lang kayo ng mga bagay na di niyo pa masyadong alam sa isa't isa. (e.g favorite color ng underwear, ilan ang puting buhok sa ilong) Magandang paraan ito para mabuo ang bond sa mga naguusap. Puwede ring family bonding!

3. Makipaglaro. What a nice thing to do is to go back memory lane! Kung may anak ka na, makipaglaro sa kanila ng mga sina-unang laro. Kung teenager ka, makipagjamming sesyons sa barkada. Kung bata ka naman, panigurado wala ka sa labas at nakadikit ka sa nanay o tatay mo. Malamang, tinatakot ka na ng mga magulang mo tungkol sa mga nangunguha ng bata tapos kukunin ang lamang loob o kaya naman baka makatapak ng nuno at itratransform ka nila at magiging kariton ka! Yung parang sa transformers! O hayop ba yun. Pero ito ang napakagandang panahon at mag-astang bata at maglaro sa ilalim ng buwan. Okay lang yan, madilim naman e, di ka nila makikilala. Puwede ring family bonding!

4. Sexy time. Kung ikaw ay 16 pababa, tumigil ka na sa pagbabasa nito. Ayaw kong mapollute ang utak mo sa kung anong meron dito. Pero dahil makulit kang bata ka, ito ay yung time na magpipiling sexy ka. Sasayaw ka, madilim naman di ka nila mapapansin. O, okay na. Tigil na, wag ka na magbasa. . . . . . . . .


Sige basa pa . . . .


Ang kulit talaga o . . . .


Wala ka ng makikita pagkatapos nito, pramis . . . .


Sabing wala na e, walang ng tungkol sa sexy time . . . .


Kakulitan nga naman o, anak ka ng nanay mo e . . . .


Basa pa! SIGE! BASA PA!


Lang hiya naman o. Wala na nga, plis? Wala na talaga . . . .


Dahil masunurin kang bata at nagbasa ka pa. Ito na talaga, magandang pagkakataon ito sa mga couples para gawin ang kanilang labidabs moment. Patay ang mga ilaw, madilim ang paligid at ang buwan lang ang nagbibigay liwanag. O napakagandang pagkakataon ito. Medyo mainit nga lang pero mas okay yun. Nakakapayat! Kung kakayanin, paabutin niyo ng isang oras para sakto puwede na ulit magTV. Mayroon na ulit enterteynment! Hindi ata puwedeng family bonding!


5. Gipit moves. Kung gipit ka na at wala ka pang trabaho. Kung ang kinakain mo ay tira-tira ng kapitbahay mo. Kung baon ka na sa utang at palagay mo wala ng paraan. Wag mag-alala! Ang earth hour ang iyong takbuhan! Dahil patay ang ilaw, at nakapatay din ang kuryente, magandang pagkakataon ito mang-akyat bahay! Oha! May gawain ka na para sa isang oras, meron ka pang extreme tripping na magbibigay ng adrenaline rush! Pagnahuli ka ng iyong kapitbahay, paniguraduhing ibalik kaagad ang gamit at sabihin mo trip mo lang itest yung eye sight nila sa dilim. Hindi ka lang nakagawa ng pangpalipas oras, nasubukan mo pa ang talas ng pakiramdam ng mga kapitbahay mo! Ngayon dahil doon, alam mo na kung kaninong bahay ang aakyatin mo at kanino ang hindi. Puwedeng - puwedeng pangfamily bonding!

Dahil nabigyan na kita ng top five na puwedeng gawin ngayong earth hour, wala ka ng rason para hindi makisali. Minsan sa isang taon na nga lang magiging KJ ka pa. Kung uso pa din ang weakest link malamang ikaw na ang navote out. Kaya wag ng magpasikat, maki-join na! Bahala ka, pagbiglang nagkaroon ng pagtaas ng tubig dahil sa pagtunaw ng yelo sa Antartica at lumubog ang ilang parte ng Pilipinas. Mababadtrip sila ng todo-todo at sayo pa mailalabas. Isipin mo din, baka ikaw pa masisisi.  Para sa'yo din yan.

Mamayang 8:30 patayin lahat ng ilaw at makisali. Para sayo din ito, at para sa anak mo, at sa anak ng anak mo, at sa anak ng anak ng anak ng kapatid mo, at sa apo ng anak ng pamangkin ng kinakapatid ng kapitbahay mo, at sa pamangkin ng kapatid ng nagiisang tita ng nagbabasa nito, at sa mga nagsstruggle na jumejebs ngayon. Pramis, wala namang mawawala (maliban na lang kung ikaw mapagtripan ng mga akyat bahay) Maki-earth hour na!