Monday, June 27, 2011

"I've dreamed about winning it all since I was probably 9 years old.
 I remember seeing Jordan/Bird win it all.
 I made up my mind right then, that it was going to be me.
 That I was gonna be part of that.
 Some dreams fade over time, but not this one"


I love this video, it's about finding what you want and chasing it. It's about finding a treasure map and after seeing it, decided to look for the gold. I've dreamed of being part of something big, something I'd be took notice of. I love attention, especially when you know it is something good.

You see, people today are afraid of what is to come. It's OK to be scared for we are scared of different reasons. Some are scared because of what they won't become and some are because of what they could become. Most of the time, people don't go out of the shell because of the fear of failure. We all fall, at some point. But doing nothing will lead you to nothing. Take the risk.

Once you've took the first step, never let yourself end where you've started. Continue. Never let yourself finish where you've began. Win. When you trip, stand up. It's not how many times you've fall, it's about how many times you've stand up. And on the process, the attitude you have in doing it. Chase your dreams. Have the courage of stepping out of your comfort zone. And the final key is patience. It is something more than courage. When courage seems to fail, patience is there to comfort. Become what you know you can become.

Become legendary.

"I've failed over and over and over again in my life ... That is why I succeed"
-- Michael Jordan 

Thursday, June 23, 2011

3 words a woman would want to hear

Suspended ang klase!


Ang tatlong salitang kasing tamis ng 'i love you' para sa mga estudyante. Sa kagalingan at kaagapan ng CHED, sinuspinde nila ang mga klase nang hapon na. Anung napala? Pumasok, nabasa at nadyahe pa din ang mga estudyante. At tansya ko pa -- kadamihan ay magkakasakit.


Anung kinalaman ng intro? Wala ka din napala.


------------------------------------------------------------------------


Binagyo na naman ang Maynila, bahang-baha. Daanang nagmistulang ilog. Alam mo kung bakit bumenta sa akin na nagmukhang ilog yung daan? Puro basura.


Basura = Baha.


Dahil sa pesteng baha na yan ay nagkaroon ng traffic. Tinalo pa ang mga nagproprosesyon sa bagal ng galaw ng mga sasakyan. Muntik muntik ding matalo ang kabilisan magbigay ng tulong ang gobyerno. Grabe traffic!


Swerte lang at nakasakay ako sa maluwag na bus. Mas swerte nang Amaya na ang pinapalabas! Marian Rivera! Yum yum! Kaso medyo nabahala ako sa aking nakita. Hindi lang dahil pangit yung reception, pero kinakawawa ang girlfriend kong si Marian Rivera. Yum yum. Biglang may pumasok sa isip ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan.


Kung bakit hindi tinatrato ng maayos ang isang girlfriend nang ilang boploks na lalake?


Nakakainis minsan makita ang mga ganong eksena. Mahal ni babae pero trip trip lang kay lalake. Loyal si babae, may iba si lalake. Nanalo na nga sa lotto, pinamigay pa ang jackpot.


Hindi sa naiinggit ako pero pagbinigyan ang isang lalake ng isang pagkakataon para alagaan ang puso ng isang babae ay dapat gawin niyang kayamanan iyon. Protektahan na parang ayaw may ibang makakuha. Bigyan ng saya na parang iyon ang buhay. Gawing iisa ang tibok ng puso mo at puso niya, mas mabuting, gawing puso mo ang puso niya.


Ang mga babae ay binibigyan ng kataas-taasang respeto at pagmamahal. Binigay sila ng Diyos para pagsilbihan at bigyan ng kaginhawaan. Kaya kung may girlfriend ka at sumaktong wholesome ito, nako. Ingatan mo yan, parang gubat na lang sila ngayon -- paubos na.


Kaya tandaan, hindi 'suspended ang klase' ang tatlong salitang gustong marinig ng isang babae. I love you.

Wednesday, June 22, 2011

Small miracles

Sa wakas! Naipasa ko na rin ang kasalukuyang pinakamahirap na kurso sa buhay kolehiyo ko -- Drawing! Kalahating taon ba namang pinagtyagaan, sinong hindi magsasawa? Ang pagpuyatan, paghirapan at iyakang subject, sinong hindi makakakuha ng mataas na grade? Syempre ako.

3! Pasang-awa. At least pasado!

------------------------------------------------------------------------

AT LEAST.

Isang bagay na napagusapan namin ng Psychology professor ko. Kelan ba dapat makunteto ang tao? Sabi niya, ang tao daw ay may 'in-nature' ng 'wanting something better'. Ibig sabihin ang tao ay hindi nakukuntento. Gutom ang tao sa pagbubuti. Merong kauhawang hindi matapos tapos kahit isang galong ice water pa ang inumin.

Masama ba iyon o mabuti?

Pagisipan, kung hindi natural na gutom ang tao ay malamang dala-dala mo kung saan-saan ang landline phone mo. O kaya naman, imbis na sa computer mo binabasa ang blog na ito ay ... Wala. Baka wala nga itong blog na ito. O baka, abacus pa din ang ginagamit ng mga big time na magnanakaw para sa pagbilang ng yaman nila. Diba? Hassle ang mundo.

So ibig sabihin, mabuti!

Hindi ko alam.

Bakit may mga taong tumatanda iisa lang ang ginagawa? May mga taong nagiging parang kabayong may 'blinders', yung sinusuot sa ulo ng kabayo para hindi makakita ng kahit anong bagay kung hindi ang nasa harapan. Bakit ganon? Bakit may mga taong hindi makuntento at pilit na tumutulak? Pano kung hindi na talaga puwede? Pano kung iyon na talaga iyon? Pano kung bundok na ang nakabangga pero pinipilit paring pagalawin? May mga tao na kasi akong nakitang bumagsak sa pagod dahil gustong mangyari ang pinagbabawal ng langit. Pagsinabing bumagsak, ang ibig sabihin ko ay dedbols.

O baka naman kulang lang sa pursigi?

Hindi ko pa din alam.

E kelan natin malalaman na dapat na tayo tumigil? E Likas pa naman sa atin ang maging gutom, gutom sa mas maganda at mabuting bagay. Siguro nasa tao na iyon kung kelan malalaman ang 'tama na' at 'sige pa'.

Sa dulo, ikaw pa din ang olats pagwala kang ginawa. Siguro dapat bukas pa lagi ang utak at puso. Hindi pwedeng utak lang, o kaya puso lang ang nakikinig. Dapat sabay! Mag-isip at makiramdam. Sundin ang pangarap ngunit tingnan ang limitasyon. Maging maunlad pero iwasan ang bawal. Gawin ang gusto pero alamin kung tama. Puso. Isipan.

Oha, at least may sagot ako sa tinanong ko.

Sunday, June 19, 2011

Retraction: Hill wik

Katulad ni Rizal na gumawa ng retraction letter para sa nagawa niyang pagtutol sa malupit na trato ng Espanol, gagawa din ako ng retraction para sa huling post ko. Nagkamali ako sa Ama dahil nacompare ko ang mga gawa Niya sa mga di magandang bagay. Sorryyy.

Sigurado akong wala pang nakakabasa ng huling ginawa ko, pero for the sake of writing e hindi ko na yun tatanggalin. Ginawa ko yun e, dapat buong angas kong sabihin na -- Ako gumawa niyan! (Kahit hindi maganda). Ginawa ko yung di kanais-nais na post dahil sa sobrang inis ko sa pinaggagawa ng mga 'lider' natin sa lipunan. Aaminin ko, hindi lahat ay katulad nang pagdescribe ko sa 'Hill wik' pero kadalasan talaga ganoon. Meron pa din namang buong puso at oras ang inaalay para sa kapwa pero mas madami pa din ang buong kamay ang pinapasok sa kaban ng bayan.


Nalimutan ko, retraction nga pala ito pero sino ba ang hindi maiinis sa mga pinaggagawa nila? Ipokrito ako pagsinabi kong -- wag tumawid sa kalsada, kaya nga may overpass. E SINO BANG GAGANAHANG TUMAWID SA OVERPASS NA MAY ESCALATOR PERO HINDI NAMAN UMAANDAR? Kahit ilang metro lang ang layo ng escalatored-overpass sa pinagtatawiran ko e hindi ko talaga gagamitin yun. Hindi ko rin maintindihan kung anong trip nang nagpagawa nun pero kung dahil sa nagtitipid siya sa kuryente 'ok sa ok' lang ang maisasagot ko. Anong punto ng pagpagawa ng escalator kung aakyatin mo pa rin yun nang parang normal na hagdan? Sa tingin ko, tokaruk na naman yan.

Kung tutuusin, parehas kaming mali. Lumubag ako sa batas dahil nag-jaywalk ako, siya naman ay humingi ng pera sa tao para magpagawa ng overpass na may escalator pero hindi rin gumagana.

Isipin mo -- Sino ang unang nagkamali? Ang nang hingi ng pera para magpagawa ng hindi ginagamit na escalator overpass? O yung taong hindi gumamit ng overpass kasi yamot dahil design lang daw yung escalator? Ikaw na ang maghusga.

Ang babaw ko.

Pero ito na yung retraction part talaga.

Mahal tayo ng Diyos, at sa kahit anong paraan ay hindi Niya tayo ibibigay sa demonyo. Maliban na lang kung ikaw mismo ang bumigay sa kanya. Dahil sa sobrang inis ay naisulat ko yung 'Hill wik'. Kung bakit kadamihan sa namumuno ay matatalino. Sila na nga ang may mataas na pinagaralan, sila pa ang gumugulang sa mababa ang naabot. Sila na nga ang mayaman, sila pa ang nagnanakaw. Grabe. Sana naman matablan sila sa daming pamilyang sa kalye na nakatira. Maumay sila sa lechon na kinakain nila sa mga taong tira-tira ang hapunan.

Hindi ko sila sinisisi, medyo lang, pero sana lumambot ang puso nila para sa mga taong konting lang ang kaya.

Tao pa din naman sila, nagkakamali. Sana lang mabigyan sila ng tsansa makilala si Jesus Christ para masaya! Teehee. <3

Napansin mo ba yung naka-bold sa simula? Ginawa ko ito ngayong Rizal day at Father's Day. Happy birthday Rizal, lolo ka na! Happy Father's Day papa, malapit ka na din maging lolo! Oops. Joke lang. :> 

Wednesday, June 15, 2011

Hill wik



'Hell week na naman!'


Iyan ang number 1 quote ngayon sa school namin. Ibig sabihin niyan maglalabasan na naman ang nakakatakot na exams, engkanto kung ngumiti na profs at kagimbal-gimbal na singko. Oha, hell na hell?


Naalala ko sa isang instructor ko sa Filipino, tuwing naririnig niya ang 'hell week' ay naiirita siya. Ang tanong niya sa mga nagsasabi ay -- 'Pano mo malalaman ang hell week? Nakapunta ka na ba sa hell? Anu feeling sa impyerno? Ramdam mo ba?'


Ang taray ng sagot pero may punto. Nakapunta ka na ba ng hell para malaman ang pakiramdam at naikukumpara mo ito sa isang linggo? Feeling ko hindi pa, kung oo, talaga bang mainit dun? Nakakapayat ba na parang sauna? Ayos, pwede pala akong magbawas dun.


-------------------------------------------------------------------------


Kung tutuusin, totoo ang hell. Sabi daw nila sobrang init sa lugar na iyon. Parang sa Pinas, umabot na sa 36 degrees Celsius ang temperatura dito. Ang daming nagrereklamo sa init (pati ako) pero ang mga nagrereklamo din naman ang nangunguna sa listahan kung bakit galit si haring araw.


Sabi daw nila puno ng lungkot at hinagpis ang lugar na iyon. Well, umikot ka sa Maynila o kaya sa bahay-bahay lang sa komunidad ninyo. Tanungin mo sila, masaya ba sila sa buhay nila? Malamang lamang ay nasa kalahati ang sasagot nang oo, o kaya naman ay baka mas mababa pa.


Marami daw ang demonyo at masasamang nilalang sa paligid. Meron din niyan sa Earth! Pero casual ang mga demonyo dito, naka-damit, may bling-bling, at may katrops. Iba trippings nila e, hindi katulad ng mga demonyo sa impyerno. Trip nila manghablot ng bag, manghila ng earrings at noserings, pati na rin mambaklas ng gulong ng sasakyan!


Sa hell daw, may isang namumuno. May dalang fork na malaki at nangingibabaw sa lahat ng kasamaan. Sikat daw siya doon at celebrity! First class daw lahat. Pero nakita ko na din ata yan. Naka-billboard pa nga e! Celebrity din siya dito --- magarang bahay, magarbong kotse at maraming pagmamay-ari. Meron din siyang fork! Kaya nga katabaan e, walang ibang ginawa kung hindi bigyan sarap ang sarili. At nangingibabaw din siya sa maraming tao, dinidikta ang mangyayari, kinukupitan ang tao, pinapapatay ang hindi ka-vibes at pinapatumba ang lahat ng humahadlang. Big boss na big boss! Kulang na lang yung sungay at buntot, pero feeling ko pinaputol niya yun para hindi halata.


Kaya kung sino man magsabi na hindi totoo ang hell --- tingin ka sa paligid mo. May naghihirap, may nagpapahirap, at may nagpapasarap. Kung hindi yan hell, ano nga ba?

Friday, June 10, 2011

MAELH

Sabi ng nagiisa kong masugid at mabait (pinagtyatyagaan niya ko) na reader masyado daw 'wordy' ang blog ko. Naisip ko naman, hindi ba ganun ang blog puro salita? Pano mo maipapahatid ang isang bagay na kailangan ng mapinong pagsulat para maintindihan ng iba? Pero dahil dumadami na naman ang salita sa post, ilalagay ko na ang picture. Para maiba.


Credits to sir Steno Padilla. Sa kanya talaga ang picture. Sa totoo nga e, sa kanya din ang braso at bottle na makikita sa lower right corner. At hindi niya din alam na ginamit ko ang picture niya. Shh! Wag ka maingay a? Para hindi ako matawag na magnanakaw -- Sir Steno, sa inyo to. Gusto ko lang ipakita sa iba ang macho mong braso. Thank you.

Obvious na hirap akong magcontain ng salita, credits na nga lang tatlong linya pa.

Sigurado akong natawa ka sa nakita mo. Sino bang hindi matatawa? Exclamation point na nga lang dadalawa pa!! Aaminin ko natawa din ako, halakhak pa nga. Pero sa kabilang side ng utak ko, oo may right hemisphere ang utak ko! Naisip kong hindi ba nakakabahala na ito? Simpleng 'vindors' na nga lang na makikita mo kung saan saan ay minali pa. Pero ok din a, 'standbye' nakatayo ka habang magpapa-alam. Tapos nakakita pa ako ng isang name board ng sikat na kainan sa amin, ******'* deligth, ang nakasulat. Ewan ko kung ano mali niyan, trip ko lang talaga ilagay yan.

Isa ang Pilipinas sa mga matataas ang literacy rate sa mundo. Ayon sa indexmuni.com ang rangko natin ay 103. Hindi na masama yun sa daan-daan pang bansa. 92.6% ang literacy rate natin, ok sa ok!

Senyas na ba ito ng unti unting pagbaba ng katalinuhan ng Pilipino? O sadyang madalas lang magkamali sa english ang Pinoy kasi hindi naman ito atin?

Ang ending? Puro salita pa din.

Tuesday, June 7, 2011

Letter for my parents. Pa-good time ko para di kayo masyadong magalit sa grades ko.

Kung sa Kristyano ay si Kristo, sa Pilipinas ay si Rizal at sa Gotham City(at kabataan) ay si Batman. Sa akin naman ay kakaiba. Walang super powers pero may kakayanang baguhin ang mundo, hindi sikat pero sobrang maimpluwensya at hindi social worker pero puno ng pagmamahal. Kung hindi mo pa rin kilala ang tinutukoy ko ay malamang hindi ako magaling mag-intro. Ipapakilala ko na, drum roll please! Sila ang ...


MIGHTY LOVING POWER PARENTS!

Kung bakit ako gumawa ng tungkol sa magulang ko -- di ko talaga alam. Kasalukuyan kasi akong namromroblema sa academics. Naawa ako sa sarili dahil wala akong magawa para lunasan ang problema. Lalo kong naalala na hindi ako ang nagpapaaral sa sarili ko. Ang nanay at tatay (and relatives) ko ang nagbibigay sa akin ng pagkakataon para may mailagay naman ako sa utak kong naka-tengga na walang ibang ginawa kung hindi magsulat ng walang sense na blog.

Dito na papasok ang roles ng mga magulang ko sa unti-unti kong pagbigo sa pagaaral. Hindi pa naman ako magaadik pero malapit lapit na din akong maging 'super' irregular. (Take note: super)

Ang lungkot tuwing naaalala ko na ang tatay ko ay sumasakay ng barko para ibuwis ang buhay niya mula sa mga basag trip na mga pirata/bandido, gumugugol nang oras malayo sa pamilya at inuubos ang lakas para lang mabigyan kami ng maginhawang buhay. Badtrip at masaya isipin sa parehas na paraan kung ako ang tatay at malaman-laman kong gumagawa ang anak ko ng essay imbis na tapusin ang research work sa English. Iniidolo ko ang tatay ko, bayani ko siya. Siya ang nagligtas sa amin mula sa paghihirap. Binibigyan niya kami ng landas para sundan upang hindi namin maulit ang mga pagkakamaling naranasan niya. Ok sa ok ka pa!

At para maging fair sa nanay ko ay idolo ko din siya. Kung gaano ko tinitingala ang papa ko ay ganoon din ang mama ko! Lumihis siya sa mga pangarap niya at gumawa ng bago para sa amin. Binigay niya ang sariling ambisyon para sa aming ambisyon. Siya ang nagaaruga sa amin nung kami'y hindi pa marunong maghugas ng pwet. Siya ang nagturo ng mabuting asal at pagkatao sa amin. Oo! Mabait ako! Sakay na lang kayo! Salamat inay sa walang humpay mong pagaalaga kahit minsan ay nasa kaduluduluhan ka na ng iyong pasyensya. Ok sa ok ka din ma!

Kaya ko ito sinulat dahil sa gusto kong gawin na ang lahat (simula ngayon) para mabayaran, masuklian at mapasalamatan ang mga ginawa nilang paghihirap para sa amin. Ako naman ang magaalaga at maghihirap para mabigyan ko kayo ng kinamimithi niyong masaya at maginhawang buhay. Kayo ang hero ko!

P.S.
Habang nagaaral pa ako, kayo po muna ang bahala a? Joke!




                  Family pic. Hulaan niyo saan ako diyan. Kung sagot mo yung nasa kanan, mali ka. Ako yung kumuha ng pic.

Sunday, June 5, 2011

The Bucket List

Napaaga ata ang paggawa ko ng bagong post. Sa sobrang katamaran ko ay nae-enjoy kong gumawa ng bagong mashashare sa inyo, para sa milyong-milyon kong mambabasa. Pero ang huli kong sentence ay obvious na pauso ko lang.

AMBITION. Yan ang main theme ng palabas na The Bucket List, mga gustong gawin bago mamatay. Dahil sa malungkot pero magandang movie na iyon ay gagawa din ako ng sarili kong bucket list. Hindi pa naman ako mamamatay, nagbabaka sakali lang. Malay mo paggising ko, gwapo na ko, edi nagunaw mundo nun! Kaya better safe than sorry. Connect?

Unang listahan ko ito (Hindi counted ang New Year's Resolution dahil alam kong pa-pampam lang yun at hindi natutupad), kaya pagbigyan niyo na lang ako kung medyo malayo sa pagkakatupad ang mga nakalista. So eto na:

  1. Maging isang NBA player. Oo, pangarap ko yan simula nang pagkabata ko. Unang pagkakataon kong maglaro ay noong prep ako, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay bano pa rin ako sa tinaggal ko nang naglalaro. Hindi rin ako katangkaran kaya lalo akong nalulungkot tuwing naalala ko ang ambisyong ito. Medyo unrealistic man pero umaasa pa din. Baka mahipan ng magandang utot at biglang maging matangkad. Ok na ang 5'9" pero mas ok kung mas matangkad.
  2. Maging macho pero sexy. Kamakailan ko lang ito naging ambisyon. Alam mo yung machete na katawan? Gusto ko nun! Yung tipong Lebron-James-body, palag na yun! Disclamer lang a, hindi ako bakla. Gusto ko lang maranasan yung katawan lang ang habol ng babae saken. Lagi na lang kasi yung charmingness, good-looks, kabaitan, katalentado at katalinuhan ko. Kung napansin mong imbento ko lang ulit yung huling sentence, sakay ka na lang.
  3. Magkaroon ulit ng uno (1). Kelan nga ba ang huling uno ko? First term ng unang taon pa. Ang tagal na! Magse-second year na ko (maliban na lang kung hindi malasin) at ni-1.50 wala pa akong nakukuha (kasama na PE at NSTP a). Gusto ko maging astigin ulit ang dating. Tipong, "Wow! Ang galing mo naman, naka-uno ka sa CWTS? Idol talaga kita!". Mahirap nga lang abutin ito ng walang sipag, friends at malinaw na mga mata.
  4. Gusto kong yumaman. Gusto ko maranasang pumunta ng school nang nakasasakyan. Hindi lang yung simpleng sasakyan na atras-abante, gusto ko yung parang kay Eddie Guerrero - tumatalon at sumasayaw! At may busina na parang sa Selecta/Magnolia! Pagtitingnan ka ng tao kasi big time ang itsura mo. At tsaka marami kasing chicks basta may tsekot ka e gwapo ka na. Tapos laging tanong ng mga 'dudes' mo: "Yow Brix! Where are we going to eat? Yellowcab? BK? Max? Where do you want?" Tapos ang isasagot ko: "English? English talaga?! Kay Manang's tayo!"
  5. Magkaroon ng sariling foundation. Namulat ako ng sinubaybayan ng nanay ko ang Wish Ko Lang - Gusto kong makatulong! At kung nag-aaral ka din sa Maynila ay malamang normal na pananaw na sayo ang mga batang walang damit at nanghihingi ng pagkain, matatanda na nakahiga sa daan at mga asong kinakain ang sariling jebs. Nakakaawa sila dahil kadamihan dyan ay hawak pa ng sindikato at pinaglilimos para sa sariling kapakanan. Naiinis ako at wala pa akong sapat na kakayahan para tumulong at alalayan ang mahihirap. Kaya pagyumaman ako, magkakaroon na ng 'PUF' (Pilipinas Unlad Foundation)! Oha?
  6. Maging sikat na manunulat. Isang bagay na alam kong hindi ko makakamit, hindi dahil gwapo lang ako pero dahil wala akong talent sa pag-gawa ng may sense na mga bagay. Malaking example ko na ang listahang ito, sino ba ang may interes basahin ito? Anung maitutulong nito sa pagunlad ng society? Masasagot ba nito ang malaking debate sa RH Bill? Malulunasan ba nito ang sakit na kahirapan? Mabubuking ba nito ang mga kagahaman ng ating nakakataas? O malaking pagsasayang lang ito ng oras, kuryente at internet space?
  7. Gusto kong makipag-dinner kasama si Jesus at si God. Sa lahat ng naka-lista dito, ito ang pinakasure-ball ko. Kung tutuusin nga e, may schedule na kami. Nakakatuwa lang dahil surprise daw nila saken ang date na yun. Baka magulat na lang ako e bukas na kaya handa na ko. Pero kung gusto mong makasama din sa reunion party namin, all you need to do is accept Jesus Christ as your lord and savior. Kung di mo pa masyadong alam kung pano yan, dalaw ka sa CCC tambayan nandun ako! Dala ka na rin ng pagkain para masaya. Kkk~!
Ito ang pitong gusto kong mangyari sa buhay ko. Alam kong hindi ka interesado at malamang lamang ay nagkamali ka ng pindot at napunta ka dito. O kaya naman ay pinilit kitang magbasa kasi magkaibigan tayo.

Ang ambisyon ay di nawawala sa isang karaniwang tao. Ito ang basehan ng tao sa gusto niyang maging pagtanda. Meron tayo nito dahil alam nating ito ang klase ng buhay na ikasasaya natin. Kaya kung ako sayo, alamin mo na ang gusto mong mangyari bago ka maabutan ng oras at uugod ugod na. Habulin natin ang mga pangarap! Baguhin ang mundo! Go Philippines! Go Earth!

"Nothing can stop the man with the right mental attitude from achieving his goal; Nothing on earth can help the man with the wrong mental attitude."
-Ang tropa kong si Thomas Jefferson.

Saturday, June 4, 2011

NBA at Phineas and Ferb fan? TV Addict? Couch potato? Para sayo ito!


Nakakatamad na manood ng TV kumpara dati. Noon, buong araw akong nakaharap sa telebisyon na parang walang pakialam sa buong mundo. Tipong, break ko lang ay jebs/jingle. Kung kakain man ako, sa harap na mismo. Gagawa ng assignment naman ay ... Hindi nga pala ako nakakagawa ng assignment noon dahil sa TV. Ang galing ko diba?


Galing -- yan ang meron ang mga gumagawa ng pinapalabas sa TV. Galing nila umakit, kumuha at umangkin ng atensyon ng maraming tao. Hindi na ako masyadong nanonood dahil nahanap ko na ang pangontra sa kanila maliban na lang kung NBA yan o Phineas and Ferb. Sobrang galing.


-----------------------------------------------------------------------------------------


Sa dami-dami ng palabas ngayon, masasabi kong marami kang matutunan sa telebisyon. Marami kang mapupulot at maigagamit sa buhay -- parang basura, puwedeng irecycle at gawing useful o kaya pangdagdag baho lang sa bahay.  Sa dami ng impormasyon ay kalahati lang ang mabuti. At syempre ang isa pang kalahati ay nakakasama na -- bad influence nga ika nila.


Isang bagay na napansin ko sa mga palabas ngayon ay puro pantasya. Oo, yung hindi makatotoonan. Yung mga fairies na tumitira ng laser mula sa bazooka wands nila, yung mga man-eating monsters na kumakain lang ng puno at yung mga basurang nabubuhay at naghihiganti dahil sa panununog ng pamilya nila. Yan ang fantasy.


Napansin ko kung pano nabubulag ang tao sa katotoonan ng buhay. Sa una, maganda dahil madaling nakakalimot sa kasalakuyang problema at nakakapagpahinga sa buong araw na trabaho. Maganda nga sa simula ngunit nasobrahan na. Mga couples na nagb-break kasi hindi nila makamit ang perpektong relasyon na napapanood lang sa tv. Mga batang natututo manigarilyo dahil humihits ang favorite actor. Mga binatilyong napapa-away dahil hindi daw nakamamatay ang paghampas ng martilyo sa ulo katulad nila Tom at Jerry. Fantasy talaga.


Wala na akong malagay, pasensya na.


Hindi maganda ang sobrang pagtutok sa telebisyon, dahil hindi lahat ay nakakabuti at hindi lahat ay matutuklasan. Wag maging couch potato kasi nakakalaki ng pwet (pero kung yan ang gusto mo, ok lang). Magising sa katotohanan, wag magpabulag sa radiation ng TV. Imulat ang mata sa realidad dahil hindi soap opera ang sagot sa paghihirap ng tao! Tumayo at patayin ang telebisyon at maglakbay! Alamin ang problema at solusyunan! Dahil hindi pain killer ang sagot sa pilay, kung hindi operasyon! Bumangon tayo Pilipinas sa pagkakakulong at pagpapaalipin sa atin ng telebisyon! K Fine Bye!


"It is a mistake to think that you can solve any major problems just with (couch) potatoes" - Douglas Adams