Sunday, July 17, 2011

Mayamang naghihirap

Basahin:


Bett'r.                  Be-ter.            -             Better.
Elev'n.                 Eleben.            -             Eleven.
K-dn't.                 Koo-dent.        -             Couldn't.
Lips.                    Leps.              -             Lips.
Rool'r.                  Roler.             -             Ruler.


Sa pangalawang column nahahanay kung pano ko basahin at sabihin ang mga salita. E wala e, Filipino accent yan. Kala nila sila merong accent, meron din tayo kaso ang tawag pala natin hindi Filipino accent - Karabaw English.


Napakalaking issue sa atin ang pagbigkas ng tao. Bakit ba nakakatawa pag meron tayong kaklaseng ang basa sa fish ay "pish"? Anong masama dun? Alam mo namang isda ang binabasa. Tinderong nalulugi dahil ang sigaw ay "do not buy!" kesa sa "donut buy!". Baka nga mahirap tayo dahil hindi tayo marunong mag-Inglish.


Sa dami-daming problema ngayon ay sobrang pinoproblema ng tao ang pagiging matalas sa ingles. E bakit pag nagkakamali tayo sa Tagalog walang kibo lang? E anowz pakialam mowz?


Kung kutyain natin si Pacman parang hindi tayo nagkakamali sa pagsasalita. Sabi nga ni Lourd de Veyra - "Kaya nga siya tinawag na Pambansang Kamao at hindi Pambansang grammarian. Helloooo?". Tama siya. Bakit natin siya huhusgahan, yun ba ang dapat niya tinutuunan ng pansin? Pag-iingles? E bakit si Jackie Chan, hindi magaling mag-ingles pero napigil ba ang movie career niya? Hindi.


Kung sa bagay, tayong mga Pinoy lang naman ang pinagtatawanan ang sariling kapwa. Tayo lang naman ang humihila sa umaasenso. Tayo lang naman ang mayaman na naghihirap. Nagkakaintindihan naman tayo, ano ang problema? Sabi nga ni Pacman - "It doesn't matter of the grammar as long as you understand the message thanks". Ayan ang lamang ni Manny sa normal na Pilipinong hangad ang maging asensado. Hindi nahihiya. Walang takot.


So, if you don't still understanding what I have wrote you will never reach rich.

No comments:

Post a Comment