Sunday, July 3, 2011

Rason kung bakit tumatalino ang bata.

Who lives in a pineapple under the sea?
Absorbent and yellow and porous is he.
If nautical nonsense is something you wish.
Then drop on the deck and flop like a fish.



SPONGEBOB SQUAREPANTS!!


POTEK. Paborito ito ng kapatid at ng pinsan ko. Paborito ko din ito nung bata pa ako pero mababaw pa ang pagkakaintindi ko sa mga bagay - bagay nun. Basta cartoon, impossible-mangyari at 'muntanga' ang palabas, nasosolb na ko! Ngayong medyo naging mature at gwapo na ako, napansin ko na may ibang dako ang naturang palabas kesa sa pagpapa-tawa at pag-mumuntanga. 


Napansin mo ba kung pano pinapakita kung gano ka 'bobo' si Spongebob? Ni-simpleng baliktad lang ang pantalon, hindi pa napansin. Ma-abilidad na karakter si Spongebob pero madaling malihis sa gawain. Sinasalamin ba nito ang kabataan ngayon? Alam nating marami ang kapabilidad ng isang tao pero dahil madali silang nabubulag sa mga 'anxiety' ng mundo ay nababaliwala lahat at nagmumuntanga na lang sila.


Isa pa si Squidward. Alam nating siya ang iritadong kapitbahay nung espongha. Kahit gaano ka-perpekto at planado ang mga 'endeavors' niya ay present palagi si Spongebob para sirain ito. Kadalasan, natatapos na lang ang palabas na pagod si Squidward sa kakasigaw, kakapilit itama ang minali at pa-alisin si Spongebob. Makikita din ang matinding galit at yamot ni Squidward sa bawat episode. Hindi ba't pinoportray niya ang kasalanang  anger?


Si Patrick naman yung starfish. Daring at bold itong si Patrick. Parehas sila ni Pooh, pinagkaiba lang - bottomless si Pooh tapos topless naman si Patrick. Pang-FHM ang outfits nila. Kung gaano katamad si Patrick ay parang ganun din si Juan. Walang ibang ginawa kung hindi matulog at magpasarap kaya tingnan mo ang Pinas. Parang lalakeng nakahiga.


Last na to. Si Mr. Krabs naman ang 'epitomy' ng gobyerno. Kurakot. Joke lang yun syempre. Wagas na greed ang pinapakita niya sa palabas. Grabe ang hilig niya sa pera, na kaya niyang isugal ang buhay para lang sa barya. Basta pera walang tatalo kay Mr.Krabs.

Hindi ko sinasadya sirain ang pagka-bata mo kasi pati akin sinira ko. Hindi ko sinasadya din makita sa ganitong paraang ang sikat na show pero ito ba ang gusto mong ipamulat sa anak mo? Sabi nga ng maraming mananaliksik, kung ano ang pinapanuod ng isang bata ay yun din ang kalaunang ginagaya. Kaya pala kami nagwre-wrestling ng mga pinsan ko, dahil sa Teletubbies"If nautical nonsense is something you wish." -- Theme song pa lang panalo na, obvious kung ano ang pinapalabas - nonsense. Gusto mo bang dalhin nila ang ka-clumsy-han ni Spongebob? E yung katamaran ni Patrick? E magbuo ng puot katulad ni Squidward? O maging politiko katulad ni Mr.Krabs? Siguro naman hindi diba? Kaya kung ako sayo, papanuod mo na lang sa anak mo WWE! Soap opera na, reality pa!



3 comments: