Sunday, July 17, 2011

Hate Late?

Commonwealth, Pasig River, Baclaran, at kongreso.


Anong pinagkapare-pareho nila? PURO.


Puro aksidente, puro basura, puro sasakyan at puro ... Magagaling?


Baliwalain na natin ang intro ko. Pinaghahambing ko lang naman yung apat na lugar. Ang cool kasi nila pero sa apat, ang pinakapinoproblema ko ay iyong Baclaran. Papasok na nga lang ng maaga, malalate pa. Gigising na nga lang, wala ding aabutan. Traffic. Yan ang rason kung bakit ako late. Madalas.


Bakit nga ba may traffic? Masyado na bang maraming sasakyan sa Pilipinas? Masyado na bang maliit ang daanan para sa dami ng motorista? O masyado lang hindi disiplinado ang mga driver, tsuper, at traffic enforcer?


Sa bagay, ang dali nilang sisihin. E kung sana hindi ino-overload nang bus driver yung bus malamang hindi ito pahinto-hinto. Pwede diba? E kung sana hindi tumatambay ang dyip sa gitna ng daan para sa pasahero ay malamang maaliwalas. Pwede din? E kung hindi nila binibigyan ng special treatment ang may 'wang-wang' malamang hindi magkukumpulan. Mas puwede? E kung hindi pasingit singit yung mga nagmamadaling, puyat at sabog na employee malamang walang aksidente. Lalong pwede! E kung alam ng mga traffic enforcers ang pinag-gagawa nila. Aba, pwedeng-pwede! E kung sana inagahan mo ang gising at maaga umalis ng bahay? SUPER PWEDE!


Masarap sisihin ang traffic dahil sa pagkalate ng tao. Ang daling ipasa ang mali sa iba. Pero bago natin subukang husgaan ang isang bagay, hindi natin tingnan ang sarili. Nasa tama ba muna tayo? Hindi ba't tayo ang mali? Katulad nga ng sabi ng tropa kong si Michael Jackson: "I'm starting with the man in the mirror". Bago natin subukang baguhin, husgahan at mali-an ang iba, simulan natin sa sarili.


Kaya kung sa tingin mong masahol pa ang kongreso sa Pasig River. Nako. Check mo muna kili-kili mo, baka hindi ka pa naliligo.

No comments:

Post a Comment