Sa dami-dami nang trabahong puwedeng pasukan bakit ang pagsusulat pa?
Gusto kong itanong sa mga writers yan dati. Kahit dati, may respeto na ako sa kanila. Wala ka ba namang ibang gawin kung hindi magsulat at magpalaki ng pwet. Ibuwis ba naman ang buhay nila sa boredom, sinong hindi hahanga? Pero iba't iba ang antas ng paghanga ko sa mga iba't ibang writers. Depende syempre sa mga sinusulat nila.
Kung kaya mong magpatawa gamit mga salitang nakasulat sa papel, taas ng tingin ko sayo. Kung kaya mong magbigay ng katotohanan nang hindi nakakaantok, mataas din. Kung kaya mong ilahad ng buong tapang ang kamalian ng isang grupo ng taong may kapangyarihan, aba, puwede na kitang sambahin. Kung magsusulat ka ng katulad nung huli, siguraduhin mong nakahanda na ang mga insurance mo.
Tawag nang ibang tao sa mga manunulat ay duwag. May punto sila, e kung may gusto kang iparating ba't hindi mo kusang gawin. Sabi nga nila, actions speak louder than words. Ang tapang sa papel pero pagkaharap na, ang amo. Kung makapintas gamit tinta, akala mo perpekto. Siguro nga duwag sila, kung totoo naman ang nakasulat bakit matatakot?
Salot nga siguro, wala na ngang magandang idadag may lakas loob pang-mangutsa. Ang lakas na nga ng apoy ng kahirapan, gagatungan pa. Paubos na nga ang mga puno natin, gamit pa din ng gamit ng papel. E kung mawala na lang sila? Wala naman silang naitutulong e? Nakakaantok pa.
Mawala na nga dapat, e pano sina Rizal? Kung di dahil sa Noli Me Tangere at El Fili niya malamang presidente natin si Pau Gasol. Kung wala sina Harriet Beecher Stowe? Siguro ngayon alipin pa din ang mga nigga friends natin. E si Charles Darwin? Siguro hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit mahilig sa saging ang tao. Si William Shakespeare? Siguro hindi sumikat ang Twilight dahil sa mga love stories niya. E yung mga Christian monks? Siguro sinasamba natin ngayon ay buwayang maraming pera. J.K. Rowling? Baka bampira ang namumuno sa mundo! Bob Ong? Baka wala kang binabasang magandang libro. E ako?! Malamang-lamang hindi kumpleto buhay mo.
IMAGINE, WALANG TAMAANG PARAAN NG PAGSAYANG ORAS?! OH MY GULAY.
MUNDO NG WALANG TAMAANG PARAAN NG PAGSAYANG ORAS IS UNACCEPTABLE!! THIS OUTRAGEOUS! THIS IS SPARTA! GWAPO AT MAGANDA LAHAT NG MANUNULAT! RESPETO! IMPORTANTE ANG PAGSUSULAT! GRABE! JOKE TIME LANG LAHAT NG NAKASULAT SA TAAS! HINDI SALOT ANG MGA MANUNULAT, IMPORTANTE SILA! Pero salot ba kamo? Check mo to: kurakot.
No comments:
Post a Comment