Sabi nga ng isang sikat na writer na hindi ko alam ang pangalan - As writers, writing is a way to exorcise the demons in us.
Ang mga tao ay may mga gawain na paghindi nagawa ay puwede ikamatay. May mga taong paghindi nailabas ang saluobin ay kinakain sila nito unti-unti. May mga taong paghindi nakakapagFacebook ay napra-praning ng sobra. May mga tao namang normal sa pagiisip pero paghindi mailabas ang jebs, nababaliw. Lahat tayo may kanya-kanyang bagay na dapat ilabas - ikalat sa mundo.
Isang paraan ko ng pagkakalat ng emosyon ay ang pagsusulat. Hindi ko hinahanay ang sarili ko sa mga writer. Hindi ko sila kalevel. Mataas ang antas ng pagiisip at kaalaman nila. Ako sumusulat sa kung anong pumapasok at nilalaman ng kapiranggot ng isipan ko, exorcising the demons nga diba? So writer ako? Hindi pa din. Katulad ng dati, wala na namang hahatnan ang pagsusulat ko. Siguro yun yung isang rason kung bakit hindi ako puwedeng writer, para san nga ba ang sinusulat ko?
Trip kong magsulat dahil gusto kong makaapekto kahit papano ang magbabasa. Kahit minsan walang ikadadatnan, gusto ko pa ding magbigay ng kaunting maidadala sa totoong buhay. Minsan kasi pakiramdam ko na wala lang ang lahat ng ito. Advice nga saken ni Samuel Butler - When a man is in doubt about this or that in his writing, it will often guide him if he asks himself how it will tell a hundred years hence. Gusto kong maka'touch' ng puso ng isang tao. Hindi man ngayon ang epekto, siguro bukas, o kaya next week. Basta't alam kong makakapagsimula ako ng himagsikan sa kaloob-looban niya.
Sabi naman ni Tennesse Williams - When I stop working the rest of the day is posthumous. I'm only really alive when I'm writing. Ganito din ako. Nabubuhay ang tunay na diwa ko pagnagsusulat. Dito, hindi ko na kailangan magsinungaling. Sinung pipintas sa akin? Wala nga kong mambabasa e. Dito, nalalabas ko ng buong buo ang gusto kong ilabas.
Lahat ng sinusulat ko galing sa puso. Minsan may pagkasobra dahil gawa ito ng emosyon. Pero seryosong tanong lang - SINO BANG MANUNULAT NA ANG SINUSULAT NIYA AY TUNGKOL SA PAGSUSULAT NIYA? Ako, kaya hindi ako writer. Revolusyonaryo ako. Gusto ko sumulat ng tama. Gusto kong gumawa ng tama. E sabi nga ng kapit bahay kong hottie na si Lee Iacocca - The discipline of writing something down is the first step toward making it happen. So, sulat ka na din! Dali!
P.S.
Nagbasa lang ako ng maraming quotes tungkol sa writing kaya ginawa ko ito. Hihihi.
All I'm writing is just what I feel, that's all. I just keep it almost naked. And probably the words are so bland. - Jimi Hendrix
No comments:
Post a Comment