Friday, August 5, 2011

KAILANGAN MAINFORM TAYO!

Ito na naman tayo, may bago na namang internet sensation. Pagkatapos ni Rebecca Black, may matapang na sumubok nang pakiramdam nang lime light. Syempre, hindi niya sinasadya ang pagkasikat. Ito na si - Christoper Lao!


Sa mga nagdaang linggo ay dinaan nang sunod-sunod na bagyo ang Pilipinas kung kaya't hindi maiiwasan ang baha. Nagkaroon nang kakaibang storya tungkol sa mga nagdaang bagyo - hindi dahil sa may mga namatay, hindi dahil nasira ang milyong-milyong pananim, at hindi dahil sa kailanganan ng tagapagligtas si Christine Reyes. May sumubok gawing barko at patawirin ang sariling sasakyan sa isang malalim na baha. Panuorin:



Christoper Lao and his floating car

Kahit sino naman ata natawa sa nangyari, bakit mo nga isusuong sa baha ang sasakyan? Kahit sabihin pa nating mababaw ang baha, hindi pa din dapat dahil pagnapasukan ng tubig ang tambutcho, deds ang sasakyan.


Dahil sa kakaibang pangyayari ay nakakuha nang malawakang paghusga si Christoper Lao hindi lang dahil sa mababaw na pagkakamali pero nainsulto daw ang katalinuhan at pag-aaral niya. TagaUP siya, Law pa ang kurso. Ani ng iba, 'Law sa UP? E diba common sense ang kailangan dun? Pano yan grumaduate?'. Masakit na mga paratang, maski si Hitler ay narinig ang tungkol sa nangyari at napabigay na din siya ng comment sa sobrang inis:


Hitler on Christoper Lao

At nabalita na din ito sa CNN dahil sa mga internet bully. Grabe, sikat na sikat ka na bro!:


CNN: Phenomenal rise to fame of Filipino Law

Ok, ito na naman tayong mga Pinoy mahilig pagtawanan ang mali. Mahilig kutyain ang hindi kanais-nais sa mata. Imbis na mabigla sa mga nangyayari ay naisip pa nating pagtripan ang tao. Siya na nga ang nadyahe siya pa ang 'laughing stock' ng Pinas. Pesteng mga internet bullies pa, kala mo kung sinong hindi nagkakamali.


Na-'caught off guard' lang yung tao kaya sari-saring emosyon ang nalabas niya. Hindi kasi siya na-inform na iinterviewhin. Kahit sino na naman masasabing mababaw ang mga palusot niya, pero sa tingin mo bang ikaw na hindi pa gumagraduate o kaya walang maayos na edukasyon ay makakasagot nang mas maayos kaysa sa kanya?


Sa huli, natawa pa din ako. Isang lumang trip na naman ang muling ipinanganak na mas malala pa sa planking at owling - panghuhusga. Wala tayong karapatang manghusga. Nagkamali lang yung tao at nagkataon na may kamera. Pusta ko, mas nakakahiya pa pagnahuli ka sa aktong nangungulangot sa pangpublikong lugar.


Pinas, hanapin natin ang tama hindi ang mali.

No comments:

Post a Comment