Tuesday, September 13, 2011

Climbed 6 feet over.

Clear sky, busy streets and active peddlers - same thing like yesterday. A bright and sunny day it was. The cool breeze is felt even with the smoke around the environment. Only thing left is a cup of coffee, some bread and cigar to finish off. The smell of the newspaper was enough to compliment the breakfast. Everything is falling off to place and seems like the day would go great.

Walking around is pleasing - seeing people work their ass off to feed their families. A small smile to people who can afford to look. A simple greeting given to who had the time from their occupied lives. A warm heart and some change to humbled beggars. There's peace amidst the hustling and rustling people can be in this jungle called New York City.

All is well like the sky with no darkness. The sun was giving a clement stare. And there it was.

It wasn't a big bird flying high in the clouds. Why would it be in a place where habitat isn't close? It couldn't be Superman. Why would he be in a place where serenity is a continuous melody among the people? It could be a plane, yes it was. It was gliding freely but something changed as it stooped down. Heart pounded profusely, it was echoing inside the body like a drum. It couldn't be, then it hit.

Debris were falling as people run to cover. A few moments, another hit and another and another. There were explosions not like the fire crackers. They were whole, big and bellowing as if a 100-foot giant gave a massive whop to scare people off. It definitely scared people, they ran and ran. Ran into circles and ended up having a fallen object over them or a fast car evading items would bump them. 

Above, people were calling for help. They were shouting 'til their throats burst but no one was coming. A child cried as his mother was trapped. He was a fortunate one - to play hide and seek with his mother before the incident and knowing she will forever hide and he will forever seek.

Thinking it will never stop, help came. The sirens were deafening to the ears and striking to the heart - there were lives lost and they could never save them. 

Then it rained.

It was different. It rained, it rained hard but not the familiar rain. The broken glass glittered like rain drops falling. It was falling hard accompanied by gusty shattered dreams. It couldn't been worse, but it was. The rain stopped and hail came crashing, not also the usual hail. Bodies fall like the leaves in autumn - freely. It was a gruesome sight and it was never going to end.

But it did, a colossal was coming from beyond. The memory will always haunt the future of being, but why not be part of it? After all, we are food to worms and feritilizer to plants. It was coming. It came and landed with a bang. It created a great fog that came to be the burial.
.
.
.
Good night, it was indeed a pleasant day - to lie in the streets and feel the whole world and its warmth and never care less.

Friday, August 12, 2011

Art

Finally! May iba na ding pinaguusapan sa Pilipinas! Hindi disappearing funds, fast hands, magic helicopter at breast implants. Medyo bago, tungkol naman sa sining.


Ang usap-usapan ngayon ay ang tinuturing ni Mideo Cruz na 'art'. Naghakot ito nang sandamakmak na reaksyon mula sa Katoliko at art fans, may masama at may pangpipilosopo. Binuksan ang isang segment ng CCP na nagngangalang 'Poleteismo' para tanggapin ang malaswang utak ni MC. Oo, sa salitang malaswa alam mo nang tutol ako. Lagyan ba naman nang etits ang pinaniniwalaan mo, sinong hindi mababadtrip? Ikaw kaya?


Pero wala ako sa lugar para husgaan ang puso at inspirasyon ni Mideo sa tinuturing niyang art. Sabi nga nila, art is everything. Lahat ay art. Walang konkretong depinisyon. Mapa-ganda o mapa-hirap intindihin, ito ay art. Siguro iyon ang issue sa ating mga tao ngayon, na ang art ay dapat maganda lamang. Siguro oo, siguro hindi. Ewan.


Freedom of expression! Kaya kahit mabuti o hindi, puwede! Kasi meron tayong batas na freedom of expression. Murahin ko kaya ang presidente? Puwede! Kaso kung ako murahin niya? Bawal! Edi kelan natin malalaman ang linya mula sa paglalabas nang saluobin at pangbabastos? Ewan ulit.


Tinanong ko si Mideo Cruz kung bakit ganun ang art niya. Sabi niya na gusto niyang makakuha nang atensyon at magbigay nang pagiisipan ang tao. Swak na swak ang mga rason niya. Napaisip ang tao! - kung pano siya bawian, saktan nang mga nabastos. 2002 pa nga yung ganyang art niya e, nanalo pa siya dati ng awards sa lagay na yan. E bakit ginagawang malaking issue yan ngayon? Dahil sa media. Ang malulupit na salarin. Kayang magpalaki nang isang bagay at kayang magpaliit nang higante. Iba talaga.


Siguro ang punto ko lang sa huli ay hindi lahat Katoliko at hindi lahat artist. Puwede niyang gawin ang ginawa niya, nagawa na nga niya e! May mga taong may pinaniniwalaan at may mga taong walang pinapaniwalaan. Sana hindi na lang niya ginamit ang pinaniniwalaan ng mga tao na paksa sa malaswang tema. May freedom of expression nga siya sana inisip niya kung may matatapakan o wala. So wag na lang kaya mag-art kasi kahit anong mangyari may tututol? WAG. Importante ang nagawa nang sining sa mundo. Siguro dapat maging sensitibo lang tayo sa mga ginagawa natin.


Kung pinapaniwalaan mo nga si Jesus Christ, hayaan mo na Siyang humawak sa mga bagay bagay. Wag na tayong makipagaway kasi hindi yan ang turo. Respeto ibigay kay Mideo, malay mo, respeto din ang ibalik niya. Art is everything. But Jesus is more than anything. Chill ka lang.

Friday, August 5, 2011

KAILANGAN MAINFORM TAYO!

Ito na naman tayo, may bago na namang internet sensation. Pagkatapos ni Rebecca Black, may matapang na sumubok nang pakiramdam nang lime light. Syempre, hindi niya sinasadya ang pagkasikat. Ito na si - Christoper Lao!


Sa mga nagdaang linggo ay dinaan nang sunod-sunod na bagyo ang Pilipinas kung kaya't hindi maiiwasan ang baha. Nagkaroon nang kakaibang storya tungkol sa mga nagdaang bagyo - hindi dahil sa may mga namatay, hindi dahil nasira ang milyong-milyong pananim, at hindi dahil sa kailanganan ng tagapagligtas si Christine Reyes. May sumubok gawing barko at patawirin ang sariling sasakyan sa isang malalim na baha. Panuorin:



Christoper Lao and his floating car

Kahit sino naman ata natawa sa nangyari, bakit mo nga isusuong sa baha ang sasakyan? Kahit sabihin pa nating mababaw ang baha, hindi pa din dapat dahil pagnapasukan ng tubig ang tambutcho, deds ang sasakyan.


Dahil sa kakaibang pangyayari ay nakakuha nang malawakang paghusga si Christoper Lao hindi lang dahil sa mababaw na pagkakamali pero nainsulto daw ang katalinuhan at pag-aaral niya. TagaUP siya, Law pa ang kurso. Ani ng iba, 'Law sa UP? E diba common sense ang kailangan dun? Pano yan grumaduate?'. Masakit na mga paratang, maski si Hitler ay narinig ang tungkol sa nangyari at napabigay na din siya ng comment sa sobrang inis:


Hitler on Christoper Lao

At nabalita na din ito sa CNN dahil sa mga internet bully. Grabe, sikat na sikat ka na bro!:


CNN: Phenomenal rise to fame of Filipino Law

Ok, ito na naman tayong mga Pinoy mahilig pagtawanan ang mali. Mahilig kutyain ang hindi kanais-nais sa mata. Imbis na mabigla sa mga nangyayari ay naisip pa nating pagtripan ang tao. Siya na nga ang nadyahe siya pa ang 'laughing stock' ng Pinas. Pesteng mga internet bullies pa, kala mo kung sinong hindi nagkakamali.


Na-'caught off guard' lang yung tao kaya sari-saring emosyon ang nalabas niya. Hindi kasi siya na-inform na iinterviewhin. Kahit sino na naman masasabing mababaw ang mga palusot niya, pero sa tingin mo bang ikaw na hindi pa gumagraduate o kaya walang maayos na edukasyon ay makakasagot nang mas maayos kaysa sa kanya?


Sa huli, natawa pa din ako. Isang lumang trip na naman ang muling ipinanganak na mas malala pa sa planking at owling - panghuhusga. Wala tayong karapatang manghusga. Nagkamali lang yung tao at nagkataon na may kamera. Pusta ko, mas nakakahiya pa pagnahuli ka sa aktong nangungulangot sa pangpublikong lugar.


Pinas, hanapin natin ang tama hindi ang mali.

Sunday, July 17, 2011

Mayamang naghihirap

Basahin:


Bett'r.                  Be-ter.            -             Better.
Elev'n.                 Eleben.            -             Eleven.
K-dn't.                 Koo-dent.        -             Couldn't.
Lips.                    Leps.              -             Lips.
Rool'r.                  Roler.             -             Ruler.


Sa pangalawang column nahahanay kung pano ko basahin at sabihin ang mga salita. E wala e, Filipino accent yan. Kala nila sila merong accent, meron din tayo kaso ang tawag pala natin hindi Filipino accent - Karabaw English.


Napakalaking issue sa atin ang pagbigkas ng tao. Bakit ba nakakatawa pag meron tayong kaklaseng ang basa sa fish ay "pish"? Anong masama dun? Alam mo namang isda ang binabasa. Tinderong nalulugi dahil ang sigaw ay "do not buy!" kesa sa "donut buy!". Baka nga mahirap tayo dahil hindi tayo marunong mag-Inglish.


Sa dami-daming problema ngayon ay sobrang pinoproblema ng tao ang pagiging matalas sa ingles. E bakit pag nagkakamali tayo sa Tagalog walang kibo lang? E anowz pakialam mowz?


Kung kutyain natin si Pacman parang hindi tayo nagkakamali sa pagsasalita. Sabi nga ni Lourd de Veyra - "Kaya nga siya tinawag na Pambansang Kamao at hindi Pambansang grammarian. Helloooo?". Tama siya. Bakit natin siya huhusgahan, yun ba ang dapat niya tinutuunan ng pansin? Pag-iingles? E bakit si Jackie Chan, hindi magaling mag-ingles pero napigil ba ang movie career niya? Hindi.


Kung sa bagay, tayong mga Pinoy lang naman ang pinagtatawanan ang sariling kapwa. Tayo lang naman ang humihila sa umaasenso. Tayo lang naman ang mayaman na naghihirap. Nagkakaintindihan naman tayo, ano ang problema? Sabi nga ni Pacman - "It doesn't matter of the grammar as long as you understand the message thanks". Ayan ang lamang ni Manny sa normal na Pilipinong hangad ang maging asensado. Hindi nahihiya. Walang takot.


So, if you don't still understanding what I have wrote you will never reach rich.

Hate Late?

Commonwealth, Pasig River, Baclaran, at kongreso.


Anong pinagkapare-pareho nila? PURO.


Puro aksidente, puro basura, puro sasakyan at puro ... Magagaling?


Baliwalain na natin ang intro ko. Pinaghahambing ko lang naman yung apat na lugar. Ang cool kasi nila pero sa apat, ang pinakapinoproblema ko ay iyong Baclaran. Papasok na nga lang ng maaga, malalate pa. Gigising na nga lang, wala ding aabutan. Traffic. Yan ang rason kung bakit ako late. Madalas.


Bakit nga ba may traffic? Masyado na bang maraming sasakyan sa Pilipinas? Masyado na bang maliit ang daanan para sa dami ng motorista? O masyado lang hindi disiplinado ang mga driver, tsuper, at traffic enforcer?


Sa bagay, ang dali nilang sisihin. E kung sana hindi ino-overload nang bus driver yung bus malamang hindi ito pahinto-hinto. Pwede diba? E kung sana hindi tumatambay ang dyip sa gitna ng daan para sa pasahero ay malamang maaliwalas. Pwede din? E kung hindi nila binibigyan ng special treatment ang may 'wang-wang' malamang hindi magkukumpulan. Mas puwede? E kung hindi pasingit singit yung mga nagmamadaling, puyat at sabog na employee malamang walang aksidente. Lalong pwede! E kung alam ng mga traffic enforcers ang pinag-gagawa nila. Aba, pwedeng-pwede! E kung sana inagahan mo ang gising at maaga umalis ng bahay? SUPER PWEDE!


Masarap sisihin ang traffic dahil sa pagkalate ng tao. Ang daling ipasa ang mali sa iba. Pero bago natin subukang husgaan ang isang bagay, hindi natin tingnan ang sarili. Nasa tama ba muna tayo? Hindi ba't tayo ang mali? Katulad nga ng sabi ng tropa kong si Michael Jackson: "I'm starting with the man in the mirror". Bago natin subukang baguhin, husgahan at mali-an ang iba, simulan natin sa sarili.


Kaya kung sa tingin mong masahol pa ang kongreso sa Pasig River. Nako. Check mo muna kili-kili mo, baka hindi ka pa naliligo.

Thursday, July 7, 2011

Ang tunay na salot?

Sa dami-dami nang trabahong puwedeng pasukan bakit ang pagsusulat pa?


Gusto kong itanong sa mga writers yan dati. Kahit dati, may respeto na ako sa kanila. Wala ka ba namang ibang gawin kung hindi magsulat at magpalaki ng pwet. Ibuwis ba naman ang buhay nila sa boredom, sinong hindi hahanga? Pero iba't iba ang antas ng paghanga ko sa mga iba't ibang writers. Depende syempre sa mga sinusulat nila. 


Kung kaya mong magpatawa gamit mga salitang nakasulat sa papel, taas ng tingin ko sayo. Kung kaya mong magbigay ng katotohanan nang hindi nakakaantok, mataas din. Kung kaya mong ilahad ng buong tapang ang kamalian ng isang grupo ng taong may kapangyarihan, aba, puwede na kitang sambahin. Kung magsusulat ka ng katulad nung huli, siguraduhin mong nakahanda na ang mga insurance mo.


Tawag nang ibang tao sa mga manunulat ay duwag. May punto sila, e kung may gusto kang iparating ba't hindi mo kusang gawin. Sabi nga nila, actions speak louder than words. Ang tapang sa papel pero pagkaharap na, ang amo. Kung makapintas gamit tinta, akala mo perpekto. Siguro nga duwag sila, kung totoo naman ang nakasulat bakit matatakot?


Salot nga siguro, wala na ngang magandang idadag may lakas loob pang-mangutsa. Ang lakas na nga ng apoy ng kahirapan, gagatungan pa. Paubos na nga ang mga puno natin, gamit pa din ng gamit ng papel. E kung mawala na lang sila? Wala naman silang naitutulong e? Nakakaantok pa.


Mawala na nga dapat, e pano sina Rizal? Kung di dahil sa Noli Me Tangere at El Fili niya malamang presidente natin si Pau Gasol. Kung wala sina Harriet Beecher Stowe? Siguro ngayon alipin pa din ang mga nigga friends natin. E si Charles Darwin? Siguro hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit mahilig sa saging ang tao. Si William Shakespeare? Siguro hindi sumikat ang Twilight dahil sa mga love stories niya. E yung mga Christian monks? Siguro sinasamba natin ngayon ay buwayang maraming pera. J.K. Rowling? Baka bampira ang namumuno sa mundo! Bob Ong? Baka wala kang binabasang magandang libro. E ako?! Malamang-lamang hindi kumpleto buhay mo. 


IMAGINE, WALANG TAMAANG PARAAN NG PAGSAYANG ORAS?! OH MY GULAY.


MUNDO NG WALANG TAMAANG PARAAN NG PAGSAYANG ORAS IS UNACCEPTABLE!! THIS OUTRAGEOUS! THIS IS SPARTA! GWAPO AT MAGANDA LAHAT NG MANUNULAT! RESPETO! IMPORTANTE ANG PAGSUSULAT! GRABE! JOKE TIME LANG LAHAT NG NAKASULAT SA TAAS! HINDI SALOT ANG MGA MANUNULAT, IMPORTANTE SILA! Pero salot ba kamo? Check mo to: kurakot.

Tara! Magsayang tayo ng oras/puno!

Sabi nga ng isang sikat na writer na hindi ko alam ang pangalan - As writers, writing is a way to exorcise the demons in us.

Ang mga tao ay may mga gawain na paghindi nagawa ay puwede ikamatay. May mga taong paghindi nailabas ang saluobin ay kinakain sila nito unti-unti. May mga taong paghindi nakakapagFacebook ay napra-praning ng sobra. May mga tao namang normal sa pagiisip pero paghindi mailabas ang jebs, nababaliw. Lahat tayo may kanya-kanyang bagay na dapat ilabas - ikalat sa mundo.

Isang paraan ko ng pagkakalat ng emosyon ay ang pagsusulat. Hindi ko hinahanay ang sarili ko sa mga writer. Hindi ko sila kalevel. Mataas ang antas ng pagiisip at kaalaman nila. Ako sumusulat sa kung anong pumapasok at nilalaman ng kapiranggot ng isipan ko, exorcising the demons nga diba? So writer ako? Hindi pa din. Katulad ng dati, wala na namang hahatnan ang pagsusulat ko. Siguro yun yung isang rason kung bakit hindi ako puwedeng writer, para san nga ba ang sinusulat ko?

Trip kong magsulat dahil gusto kong makaapekto kahit papano ang magbabasa. Kahit minsan walang ikadadatnan, gusto ko pa ding magbigay ng kaunting maidadala sa totoong buhay. Minsan kasi pakiramdam ko na wala lang ang lahat ng ito. Advice nga saken ni Samuel Butler - When a man is in doubt about this or that in his writing, it will often guide him if he asks himself how it will tell a hundred years henceGusto kong maka'touch' ng puso ng isang tao. Hindi man ngayon ang epekto, siguro bukas, o kaya next week. Basta't alam kong makakapagsimula ako ng himagsikan sa kaloob-looban niya.

Sabi naman ni Tennesse Williams - When I stop working the rest of the day is posthumous. I'm only really alive when I'm writing. Ganito din ako. Nabubuhay ang tunay na diwa ko pagnagsusulat. Dito, hindi ko na kailangan magsinungaling. Sinung pipintas sa akin? Wala nga kong mambabasa e. Dito, nalalabas ko ng buong buo ang gusto kong ilabas.

Lahat ng sinusulat ko galing sa puso. Minsan may pagkasobra dahil gawa ito ng emosyon. Pero seryosong tanong lang - SINO BANG MANUNULAT NA ANG SINUSULAT NIYA AY TUNGKOL SA PAGSUSULAT NIYA? Ako, kaya hindi ako writer. Revolusyonaryo ako. Gusto ko sumulat ng tama. Gusto kong gumawa ng tama. E sabi nga ng kapit bahay kong hottie na si Lee Iacocca - The discipline of writing something down is the first step toward making it happen. So, sulat ka na din! Dali!

P.S.
Nagbasa lang ako ng maraming quotes tungkol sa writing kaya ginawa ko ito. Hihihi.

All I'm writing is just what I feel, that's all. I just keep it almost naked. And probably the words are so bland.  - Jimi Hendrix