Friday, August 12, 2011

Art

Finally! May iba na ding pinaguusapan sa Pilipinas! Hindi disappearing funds, fast hands, magic helicopter at breast implants. Medyo bago, tungkol naman sa sining.


Ang usap-usapan ngayon ay ang tinuturing ni Mideo Cruz na 'art'. Naghakot ito nang sandamakmak na reaksyon mula sa Katoliko at art fans, may masama at may pangpipilosopo. Binuksan ang isang segment ng CCP na nagngangalang 'Poleteismo' para tanggapin ang malaswang utak ni MC. Oo, sa salitang malaswa alam mo nang tutol ako. Lagyan ba naman nang etits ang pinaniniwalaan mo, sinong hindi mababadtrip? Ikaw kaya?


Pero wala ako sa lugar para husgaan ang puso at inspirasyon ni Mideo sa tinuturing niyang art. Sabi nga nila, art is everything. Lahat ay art. Walang konkretong depinisyon. Mapa-ganda o mapa-hirap intindihin, ito ay art. Siguro iyon ang issue sa ating mga tao ngayon, na ang art ay dapat maganda lamang. Siguro oo, siguro hindi. Ewan.


Freedom of expression! Kaya kahit mabuti o hindi, puwede! Kasi meron tayong batas na freedom of expression. Murahin ko kaya ang presidente? Puwede! Kaso kung ako murahin niya? Bawal! Edi kelan natin malalaman ang linya mula sa paglalabas nang saluobin at pangbabastos? Ewan ulit.


Tinanong ko si Mideo Cruz kung bakit ganun ang art niya. Sabi niya na gusto niyang makakuha nang atensyon at magbigay nang pagiisipan ang tao. Swak na swak ang mga rason niya. Napaisip ang tao! - kung pano siya bawian, saktan nang mga nabastos. 2002 pa nga yung ganyang art niya e, nanalo pa siya dati ng awards sa lagay na yan. E bakit ginagawang malaking issue yan ngayon? Dahil sa media. Ang malulupit na salarin. Kayang magpalaki nang isang bagay at kayang magpaliit nang higante. Iba talaga.


Siguro ang punto ko lang sa huli ay hindi lahat Katoliko at hindi lahat artist. Puwede niyang gawin ang ginawa niya, nagawa na nga niya e! May mga taong may pinaniniwalaan at may mga taong walang pinapaniwalaan. Sana hindi na lang niya ginamit ang pinaniniwalaan ng mga tao na paksa sa malaswang tema. May freedom of expression nga siya sana inisip niya kung may matatapakan o wala. So wag na lang kaya mag-art kasi kahit anong mangyari may tututol? WAG. Importante ang nagawa nang sining sa mundo. Siguro dapat maging sensitibo lang tayo sa mga ginagawa natin.


Kung pinapaniwalaan mo nga si Jesus Christ, hayaan mo na Siyang humawak sa mga bagay bagay. Wag na tayong makipagaway kasi hindi yan ang turo. Respeto ibigay kay Mideo, malay mo, respeto din ang ibalik niya. Art is everything. But Jesus is more than anything. Chill ka lang.

No comments:

Post a Comment