Tuesday, April 12, 2011

Black Friday? Black's Friday!

'I hope you cut yourself, and I hope you'll get an eating disorder so you'll look pretty'

Grabe yung comment no? Grabe yung yamot nung taong nagbigay niyan. Talo pa ang taong nagpigil ng jebs ng tatlong oras. Mapapaisip ka - para kanino at bakit?

Para kay Rebecca Black yang kumento. Si RB ay 13 years old na babae na sumikat dahil sa kanta niyang Friday na nagkaroon ng napakaraming di kabutihang reaksyon. Ngunit bakit?

Ang mga susunod ay mababaw na rason kung bakit dapat daw maglaslas si Rebecca Black:

Una, WALA DAW SIYANG TALENTO! SAGAD SA KAPANGITAN D AW ANG BOSES NIYA! --- Bago ako magsimula magsulat ng kung ano pakinggan mo muna ito:


Sa tingin ko nasobrahan lang ng epeks ang kanta. At 13 pa lang siya, natural lang na di pa ganun ka-praktisado at ka-ganda ang boses. Di pa din gaano ka mature ang boses para sa mga kantang hilig ng mga tao ngayon. (e.g Slipknot, Metallica) Try mo pakinggan ang unplugged version ng Friday baka magbago ang isip mo. BAKA LANG A?

Pangalawa naman ay dahil walang katuturan ang liriko ng kanta. Sasabihin ko po sayo ito, hindi po siya ang gumawa ng kanta. Ready-made song po iyon.  Parang cup noodles, just add hot water and you're ready to go! Sa kanya, just add singer and you have a song! Kung may sisisihin man ay yung mismong gumawa hindi si RB.

Pangatlo, NAKAKA-IRITA daw ang video! --- Medyo di nga coherent ang video niya, tropa ba naman ng 13 years old nagd-drive na ng sasakyan. E ako nga e ** years old na ni-bike wala. Sige, given na di ganun ka-ganda ang video niya, pero sana naman naging pormal ka at di mo na lang pinansin. Kung mahirap hindi pansinin pero wala ka naman magandang sasabihin, wag mo ng panuorin ulit at maghanap ka na lang ng iba. Kasi sasayangin mo lang ang oras mo kung ibbroadcast mo pa kung gaano mo ito ka-ayaw at magaattract ka lang ng di rin gusto. Di ka na nga naka-buti, naka-sama ka pa. Ang mundo pa naman ngayon, pag nagsalita ang isang maimpluwensyang tao, karamihan ay maga-agree kahit walang katuturan pa yan.

Ayan, dahil dyan namuo ang "I hate Rebecca Black" page sa Facebook at "I hate RB" fan club. Oha? Sikat! Sabi na rin ng karamihan - 'haters make the world go round' kaya okay lang daw yun. Sasabihin ko sayo, 'Sun's gravity makes the world go round', no pun intended. Tapos meron pang-like page, "we don't hate you because you're famous, but you're famous cause we hate you!" -- HATE. Napaka-gamit na salita ngunit may malalim na meaning. Pagsinabing 'hate' lalabas ang salitang 'anger' na sa tingin ko hindi mo din tunay na alam. Siguro ang gustong sabihin ng mga 'haters' ay dislike. We dislike you! Yung ganun. Kasi pag sinabing dislike hindi mo siya ganun ka gusto at may mas trip kang pakinggan. Pero wag 'hate'. Ang sakit nga naman kung marinig mo sa taong malapit sayo ang 'i hate you' kahit na gumawa ka ng masamang bagay sa kanya. Pano pa kaya si Rebecca Black, wala naman siyang ginawang masama sayo tapos sasabihin mo ng hate? Wowowee!

Sabihin ko na din sayo ang short rundown tungkol sa kanta at kay RB:

1. REGALO lang ng nanay niya ang oportunidad na magrecord ng kanta at gumawa ng video. Oo, aspirant siya pero wala siyang intensyong iritahin ka.

2. Ready-made nga ang kanta, hindi siya ang nagsulat. Kaya sa mga nagrereklamo na alam na nila ang 7 araw sa isang linggo malamang hindi niyo alam na sa bawat 35040 hours na lumilipas ay nadadagdagan ng isang araw.

3. Kung ayaw niyo nung video, sisihin ang studio na gumawa kasi kahit konting concept wala siyang binigay.

4. Sobra-sobra sa effects, pramis.

OK! Di niya talaga ako fan pero gusto ko na din sabihin kung bakit ako gumawa nito. So-so lang din pala sakin yung kanta a? Muntik-muntikan pa ko maLSS.

Dahil sa kantang iyon lalong nakita ang immaturity ng mundo. Pramis. Kung immature ang panunood ng Power Rangers kahit college ka na sasabihin ko sayo: HINDI! HINDI IMMATURE IYON! ANG GANDA KAYA! Yaaah! Power Rangers Lavander! Transform! Siguro dapat matuto ang mundo maging mature. Alam kong magiging ipokrito ako sa sinabi ko pero di nga naman ako role model. Pero diba, kuha mo naman punto ko? Kung walang magandang sasabihin, wag na magsalita. Ayaw mo naman siguro kung ganun din trato sayo ng ibang tao. Maging mature tayo, kung magcocomment ka man ng di maganda, okay lang. Pero sana tungkol sa kanta hindi sa tao. Attack the song not the singer. Di rin niya kelangan ng anorexia para lang magustuhan mo siya e. K?

Plus kumakalat na ang salitang 'hate' na nakaka-BV. Hate? Alam mo ba yun? Yan ang rason kung bakit may masama e, at patayan. Lumalabas ang tunay na kulay ng mga tao dahil sa salitang yan. BV grabe. Tsk tsk. I hate this!

Sa tingin ko din biktima si RB ng 'and back when I was rappin' for the thrill of it, nowadays we rappin' to stay relevant' -- kanta nga yan ni B.O.B. Krimen bang gawin ang passion mo? Masyado ng negative ang mundo. Bad trip. Oo, naging vocal pero walang ibang lumabas kung hindi masamang balita. Gusto niya lang kumanta, hindi puwedeng kayo ang magdikta kung kakanta siya o hindi.

At kaysa gumawa tayo ng 'I hate RB' ay gumawa na lang tayo ng 'I help Japan'. O diba? Kahit mali grammar ang ganda pakinggan? Speaking of Japan, alam mo bang idodonate niya ang perang malilikom niya sa kantang Friday? Hindiii. Di mo alam yun! Tsk tsk. Hate pala a. She's a great kid with a great heart. Di lang siguro publicity stunt yan, there's more to it.

Guys, masyado ng napalaki ang issue na ito na umabot sa death threats. Kahit sabihin niyong joke time lang yun o kaya hindi niyo naman gusto mangyari iyon. Masama pa din. Magbomb joke ka nga e, kulong na. Death joke pa kaya? Please, maging mature tayo . Ayokong patamaan ang dapat tamaan kasi wala naman akong gustong patamaan. Gusto ko lang ilabas ang saluobin ko. Di tayo perpekto at iyon ang rason kung bakit tayo perpekto. Sana naman maging tao tayo at isipin muna ang gagawin. Ok? Mabait siyang tao at alam kong ikaw din. Maliban na lang kung mamatay tao ka, ibang usapan yun.

Dahil sa atensyon na nakukuha niya sa murang edad ay malamang kayo ang sisisihin kung isang araw na lang ay makitang walang malay si Rebecca Black pero kayo din ang rason at balang-araw ay maging mas sikat pa siya kay Justin Bieber, na-dislike niyo din dati. Sa tingin ko na-accomplish ng kanta ang dapat nitong gawin at iyon ay mapanatili itong tumutugtog sa ulo ninyo.

Sigurado ako tumutugtog ngayon ang Friday sa ulo mo. It's Friday! Friday! Ay shemay Tuesday pala.

No comments:

Post a Comment