AYAW KO MAG-EARTH HOUR!
Ayan ang ilan sa mga narinig ko ngayong padating na 8:30, March 26, 2011. Ayaw nilang mag-earth hour, nakakatawa pakinggan ngunit alam mo naman siguro ang ibig sabihin niyan. Di ko alam kung bakit o ano ang rason nila at tumiwalag sila sa taunang tradisyon upang masalba ang mundo natin.
Para malaman mo na din kung anung meron sa earth hour. Ginawa itong earth hour dahil lumalala na ang global warming. Isang paraan ito para maging maalam ang tao na nanganganib na ang tinitirahan nating planeta, ang Earth. At bawasan naman ang pamumutas sa ating ozone layer.
Konti lang naman ang hinihingi sa earth hour e, patayin ang ilaw at di ginagamit na aplayanses nang isang oras. Oo, isang oras. Mahaba ba yun? Kaya sa mga taong ayaw sumama sa anuwal na pangyayari, bibigyan ko kayo ng pwedeng gawin habang nakapatay ang ilaw. Para di naman kayo ma-BV dahil wala kayong ginagawa.
1. Star gazing. Isa ito sa mga pinakamagandang gawin habang patay ang lahat ng ilaw. Mas madaling makikita ang mga bituin dahil mas konti ang nakabukas na ilaw. Dahil din sa light pollution kaya bihira ng makita ang mga tala kahit klir ang langit. Puwede ring family bonding!
2. Umupo sa front porch at mag-usap usap. Kung wala kayong front porch, pagawa kayo! Joke. Maganda sigurong lumabas muna, lasapin ang hangin, palunod sa ilaw ng buwan, at magusap. Kung busy ka sa trabaho, magandang pagkakataon ito para makapaghabol sa mga nalampasang pangyayari. Kung wala ka namang trabaho, magusap na lang kayo ng mga bagay na di niyo pa masyadong alam sa isa't isa. (e.g favorite color ng underwear, ilan ang puting buhok sa ilong) Magandang paraan ito para mabuo ang bond sa mga naguusap. Puwede ring family bonding!
3. Makipaglaro. What a nice thing to do is to go back memory lane! Kung may anak ka na, makipaglaro sa kanila ng mga sina-unang laro. Kung teenager ka, makipagjamming sesyons sa barkada. Kung bata ka naman, panigurado wala ka sa labas at nakadikit ka sa nanay o tatay mo. Malamang, tinatakot ka na ng mga magulang mo tungkol sa mga nangunguha ng bata tapos kukunin ang lamang loob o kaya naman baka makatapak ng nuno at itratransform ka nila at magiging kariton ka! Yung parang sa transformers! O hayop ba yun. Pero ito ang napakagandang panahon at mag-astang bata at maglaro sa ilalim ng buwan. Okay lang yan, madilim naman e, di ka nila makikilala. Puwede ring family bonding!
4. Sexy time. Kung ikaw ay 16 pababa, tumigil ka na sa pagbabasa nito. Ayaw kong mapollute ang utak mo sa kung anong meron dito. Pero dahil makulit kang bata ka, ito ay yung time na magpipiling sexy ka. Sasayaw ka, madilim naman di ka nila mapapansin. O, okay na. Tigil na, wag ka na magbasa. . . . . . . . .
Sige basa pa . . . .
Ang kulit talaga o . . . .
Wala ka ng makikita pagkatapos nito, pramis . . . .
Sabing wala na e, walang ng tungkol sa sexy time . . . .
Kakulitan nga naman o, anak ka ng nanay mo e . . . .
Basa pa! SIGE! BASA PA!
Lang hiya naman o. Wala na nga, plis? Wala na talaga . . . .
Dahil masunurin kang bata at nagbasa ka pa. Ito na talaga, magandang pagkakataon ito sa mga couples para gawin ang kanilang labidabs moment. Patay ang mga ilaw, madilim ang paligid at ang buwan lang ang nagbibigay liwanag. O napakagandang pagkakataon ito. Medyo mainit nga lang pero mas okay yun. Nakakapayat! Kung kakayanin, paabutin niyo ng isang oras para sakto puwede na ulit magTV. Mayroon na ulit enterteynment! Hindi ata puwedeng family bonding!
5. Gipit moves. Kung gipit ka na at wala ka pang trabaho. Kung ang kinakain mo ay tira-tira ng kapitbahay mo. Kung baon ka na sa utang at palagay mo wala ng paraan. Wag mag-alala! Ang earth hour ang iyong takbuhan! Dahil patay ang ilaw, at nakapatay din ang kuryente, magandang pagkakataon ito mang-akyat bahay! Oha! May gawain ka na para sa isang oras, meron ka pang extreme tripping na magbibigay ng adrenaline rush! Pagnahuli ka ng iyong kapitbahay, paniguraduhing ibalik kaagad ang gamit at sabihin mo trip mo lang itest yung eye sight nila sa dilim. Hindi ka lang nakagawa ng pangpalipas oras, nasubukan mo pa ang talas ng pakiramdam ng mga kapitbahay mo! Ngayon dahil doon, alam mo na kung kaninong bahay ang aakyatin mo at kanino ang hindi. Puwedeng - puwedeng pangfamily bonding!
Dahil nabigyan na kita ng top five na puwedeng gawin ngayong earth hour, wala ka ng rason para hindi makisali. Minsan sa isang taon na nga lang magiging KJ ka pa. Kung uso pa din ang weakest link malamang ikaw na ang navote out. Kaya wag ng magpasikat, maki-join na! Bahala ka, pagbiglang nagkaroon ng pagtaas ng tubig dahil sa pagtunaw ng yelo sa Antartica at lumubog ang ilang parte ng Pilipinas. Mababadtrip sila ng todo-todo at sayo pa mailalabas. Isipin mo din, baka ikaw pa masisisi. Para sa'yo din yan.
Mamayang 8:30 patayin lahat ng ilaw at makisali. Para sayo din ito, at para sa anak mo, at sa anak ng anak mo, at sa anak ng anak ng anak ng kapatid mo, at sa apo ng anak ng pamangkin ng kinakapatid ng kapitbahay mo, at sa pamangkin ng kapatid ng nagiisang tita ng nagbabasa nito, at sa mga nagsstruggle na jumejebs ngayon. Pramis, wala namang mawawala (maliban na lang kung ikaw mapagtripan ng mga akyat bahay) Maki-earth hour na!