GET THAT WEAK STUFF OUTTA HERE!
Haaay. Nakakamiss ang sigaw ng komentator ng Cleveland Cavaliers tuwing nakakachase down block si Lebron. Yung tipong sumisigaw na parang humihingi ng tulong mula sa snatcher. Haaay. Nakakamiss. Nakakalungkot lang at lumipat si Lebron sa Miami kung kaya't iba na ang komentator. Medyo okay naman din siya pero wala pa din tatalo doon sa Cleveland komentator.
Anu nga ba ang chase down block? Medyo corny nga itong bagay na 'to pag-usapan dahil: unang-una baka wala kang paki-alam sa basketball, pangalawa kung meron man ay baka wala kang alam sa mga terms nito, pangatlo baka fan ka lang ng national basketball natin o PBA kasi walang ganyan duon, at pangapat baka nagbabasketball ka lang, kagaya ng matatanda, para papawis.
Sige, dahil kanina pa yung tanong kung ano ang chase down block sasagutin ko na baka maurat ka pa sa pagbabasa at di mo na ito tapusin. (Pero sasabihin ko sayo, baka masayang lang oras mo.) Ang chase down block ay isang uri ng pagpigil sa isang manlalaro makaiskor mula sa isang fastbreak. Pagnagkakaroon kayo ng pagkakamali sa isang play ay kinukuha ng kalaban ang oportunidad at umiiskor ng mabilisan. Bubutatain ang kalaban pagkatapos siyang habulin bago pa man niya maishoot ang bola. Kung di mo yan naintindihan panuorin mo na lang ito:
Grabe no? "Not giving up on the plaaay!" ani ng isang komentator. Not giving up nga talaga ako ngayon para ma-amuse ka sa pagsasayang mo ng oras.
Sabi nila kung magsusulat ka ng bagay na gusto mong maraming magbabasa dapat ay iyong magiging interesado ang tao. Ang problema bagsak kagad ako sa aspetong iyon. Sa totoo lang, gusto kong walang magbasa ng blog na ito dahil walang kuwenta naman ito. Gumagawa lang ako nito para ilabas ang nararamdaman ko. Meron ako ngayong chickenpox kung kaya't sobrang bored ako. Ayun, dito ko nilalabas ang boredom ko.
Ngayon alam mo na ang rason ng pagsulat ko nito. Patawad. Ipapapramis ko na gagawa ako ng medyo may sense na blog sa susunod, kung iyon ay maisipan mo pang magbasa nito. Pero pramis talaga, cross my heart, dont hope to die! Ayoko pa mamatay e. Gagawa ako ng maayos at interesanteng bagay.
Okay. Nalabas ko na ang gusto kong ilabas, ipon nanaman ulit ng susunod kong ilalabas! Ciao! *Tama ba spelling? Hihihi.
No comments:
Post a Comment