Monday, April 25, 2011

The Nonsense Poem

Itong tula'y para sa mga yamot,
Itong tula'y para sa di takot.
Huwag magbabasa kapag supot,
Patuli ka muna't kain balot.

Mahina pa patigas ng tuhod,
Ehersiyo para di u-ugod.
Push-up pa para di lambot uod,
Wag mabigat para okay likod.

Iwas junk food na nakakataba,
Magiging dadalawa ang baba.
Magiging korte ay parang timba,
Ang upuan madaling magigiba.

Alagaan ang ating katawan,
Dapat ingatan iisa lang yan.
Pagnawala'y di na mabibigyan,
Alay sa Diyos mapagkailanman.

Tuesday, April 19, 2011

Who's gonna take it home?


April 17 - Start of the NBA Playoffs. People got their bets ready and words to talk trash. Are they playing hard? Or going home? Will they let their season slip? Or will they drive harder to their goal? So many questions left unanswered ...


... But who?  Who's gonna take it home?


Spurs and Bulls have the upper hand with the home court advantage, Lakers going for a 3-peat, Heat's proving doubters wrong, young Thunder's playing underdog, and Celtics; Celtics maybe running for a final shot.



They've been struggling lately but they managed to pull through with a decent spot in the playoffs. It was still them, the old big three who's starting up the team amidst the aching joints.


But really, it's not always the big three. Most of the time it was them, who does the dirty work while their big three is resting.


Who cares if it's the starting five or the bench who's doing most of the work. It's all about 18. All about the championship. Doesn't matter who gets the glory.


Unfortunately, it's not an easy way going there. They have to battle other more teams that are dying just to get one. Step by step they're going to do it - passing through rounds 1 and 2, winning the conference championship and this.


And maybe stumble upon their long-time rivals, Lakers. They've battled a lot of times before and Celtics having the edge. This time, it's different. With their big three against the aging big three of Celtics. It's gonna be a whole different story.


The game is on and maybe with their final run, they'll be giving up more than sweat in the court. It's all about 18, and 18 shall happen. Not next season or the other next seasons but now.They're all about winning, and winning shall happen. They've been there and maybe this time, they'll be back to where they belong, in the promise land.


GO CELTICS! ALL ABOUT 18!


Tuesday, April 12, 2011

My demonic encounter - impluwensiya ni BO

Naaalala ko ang isang kuwento na muntik na magbigay sa akin ng isang matinding insomiya.

Halos isang buong eskuwelahan ang nasapian ng kung anong elemento. Maririnig na nagsasalita sa ibang dila, nagkakaroon ng pambihirang lakas at nagwawala na parang 2012 na ang mga estudyante sa naturang paaralan. Sinasabi na mayroong kagimbal-gimbal na misteryo na pumapalibot sa lugar.

Pagkatapos makalma ang lahat, nalaman ng mga doktor na hindi demonyo, white lady, kapre, o Twilight ang sumanib sa mga bata. Napag-alaman na nasa ilalim ng impluwensya ng ibang demonyo at sa sobrang kalulong-an ay nagka-problema na sa pag-iisip sa murang edad.

Nakakalungkot ngunit ganon ang realidad. Naniniwala ako sa sapi, sanib o kahit anong tungkol sa pagpasok ng elemento sa katawan ng tao. Naniniwala ako sa demonyo na nagdadala ng takot, naninira ng buhay at nang-hihila sa kamatayan ...

... Hindi nga lang kaparehas ng pinapakita nilang itsura: kulay pula, may sungay at buntot, kapanindig balahibong mata at may dala-dalang tinidor. Di ko alam yung tungkol sa tinidor. Gutom ata palagi ... Iba't iba ang anyo ng alam kong demonyo, at may iba't ibang uri din ito. Ang alam kong demonyo ay puwedeng magtransform solid, liquid o gas. Grabe no?

Isang uri na nakita ko ay kulay puti at hindi pula, solid at hindi kaluluwa. Katulad ng demonyong alam mo, gusto din nito pumasok sa tao. Nagkaroon na ko ng encounter sa mga demonyong ito. Gustong-gusto nito makapasok sa loob-looban ko, hindi lang dahil sa gwapo at machong katawang ma-angkin nito, pero dahil gusto din nito masira ang buhay ko at ang mga buhay sa paligid ko. Masyadong mapilit ang demonyo at ginamit pa nito ang mga taong malapit sa akin. Ginamit niya silang lakas para mas maakit ako sa kanya. Ngunit tinanggihan ko dahil alam kong mali at alam kong wala ito sa tamang landas.

Nakita ko na ang nagagawa ng demonyo sa isang tao: naninira ito ng buhay, nilalayo nito sa mga kaibigan, at inihihiwalay ito sa sariling pamilya. Nakita ko na kung pano nito ginigiba ang isang kumpletong buhay papunta sa walang saysay na pag-gising. Kilala natin ang kasamaan ng demonyong ito ngunit napaka-lakas pa din ng hatak sa atin. Magaling pumili ng biktima ang demonyo, napili pa nito ang kinabukasan ng lahat, ang kabataan.

Kung bakit ang dali ng mahanap ang demonyong ito: pinagbabawal na droga sa bangketa, alak na binebenta ng parang energy drink, at yosi na parang candy kung ilako. Malakas ang impluwensya nito at masama ang resulta.

'Ayun! May nakita akong sinasapian pa lang sa labas. Naglalakad hinihithit ang demonyo sabay buga ng parang dragon. Saklolo! Albularyo!'

Hindi nga pala albularyo ang makakatugis sa demonyong mga iyon, kung hindi ang gobyerno. Ang gobyerno na may kapangyarihan magpabawal sa pagbenta o pagaccess nito lalo na sa mga kabataan. Sila ang may malakas na puwersa para mapuksa ang demonyo at sa mga nasapian na. Pero parang tropa pa ata yung ibang opisyal ng demonyo e, lalong napapalala. Sayang. Kaya din naman natin puksain ang demonyong ito: 'a little prayer and faith will go a long way'. Laging tatandaan.

ALAM NATIN ANG MASAMANG DULOT NITO! WAG MAGING MANG-MANG.

"Government Warning: Kung nasapian, nasaniban o napasukan ka na ng masamang elemento, please ask a doctor for help, family for support, rehabilitation center for assistance and God for strength"

Black Friday? Black's Friday!

'I hope you cut yourself, and I hope you'll get an eating disorder so you'll look pretty'

Grabe yung comment no? Grabe yung yamot nung taong nagbigay niyan. Talo pa ang taong nagpigil ng jebs ng tatlong oras. Mapapaisip ka - para kanino at bakit?

Para kay Rebecca Black yang kumento. Si RB ay 13 years old na babae na sumikat dahil sa kanta niyang Friday na nagkaroon ng napakaraming di kabutihang reaksyon. Ngunit bakit?

Ang mga susunod ay mababaw na rason kung bakit dapat daw maglaslas si Rebecca Black:

Una, WALA DAW SIYANG TALENTO! SAGAD SA KAPANGITAN D AW ANG BOSES NIYA! --- Bago ako magsimula magsulat ng kung ano pakinggan mo muna ito:


Sa tingin ko nasobrahan lang ng epeks ang kanta. At 13 pa lang siya, natural lang na di pa ganun ka-praktisado at ka-ganda ang boses. Di pa din gaano ka mature ang boses para sa mga kantang hilig ng mga tao ngayon. (e.g Slipknot, Metallica) Try mo pakinggan ang unplugged version ng Friday baka magbago ang isip mo. BAKA LANG A?

Pangalawa naman ay dahil walang katuturan ang liriko ng kanta. Sasabihin ko po sayo ito, hindi po siya ang gumawa ng kanta. Ready-made song po iyon.  Parang cup noodles, just add hot water and you're ready to go! Sa kanya, just add singer and you have a song! Kung may sisisihin man ay yung mismong gumawa hindi si RB.

Pangatlo, NAKAKA-IRITA daw ang video! --- Medyo di nga coherent ang video niya, tropa ba naman ng 13 years old nagd-drive na ng sasakyan. E ako nga e ** years old na ni-bike wala. Sige, given na di ganun ka-ganda ang video niya, pero sana naman naging pormal ka at di mo na lang pinansin. Kung mahirap hindi pansinin pero wala ka naman magandang sasabihin, wag mo ng panuorin ulit at maghanap ka na lang ng iba. Kasi sasayangin mo lang ang oras mo kung ibbroadcast mo pa kung gaano mo ito ka-ayaw at magaattract ka lang ng di rin gusto. Di ka na nga naka-buti, naka-sama ka pa. Ang mundo pa naman ngayon, pag nagsalita ang isang maimpluwensyang tao, karamihan ay maga-agree kahit walang katuturan pa yan.

Ayan, dahil dyan namuo ang "I hate Rebecca Black" page sa Facebook at "I hate RB" fan club. Oha? Sikat! Sabi na rin ng karamihan - 'haters make the world go round' kaya okay lang daw yun. Sasabihin ko sayo, 'Sun's gravity makes the world go round', no pun intended. Tapos meron pang-like page, "we don't hate you because you're famous, but you're famous cause we hate you!" -- HATE. Napaka-gamit na salita ngunit may malalim na meaning. Pagsinabing 'hate' lalabas ang salitang 'anger' na sa tingin ko hindi mo din tunay na alam. Siguro ang gustong sabihin ng mga 'haters' ay dislike. We dislike you! Yung ganun. Kasi pag sinabing dislike hindi mo siya ganun ka gusto at may mas trip kang pakinggan. Pero wag 'hate'. Ang sakit nga naman kung marinig mo sa taong malapit sayo ang 'i hate you' kahit na gumawa ka ng masamang bagay sa kanya. Pano pa kaya si Rebecca Black, wala naman siyang ginawang masama sayo tapos sasabihin mo ng hate? Wowowee!

Sabihin ko na din sayo ang short rundown tungkol sa kanta at kay RB:

1. REGALO lang ng nanay niya ang oportunidad na magrecord ng kanta at gumawa ng video. Oo, aspirant siya pero wala siyang intensyong iritahin ka.

2. Ready-made nga ang kanta, hindi siya ang nagsulat. Kaya sa mga nagrereklamo na alam na nila ang 7 araw sa isang linggo malamang hindi niyo alam na sa bawat 35040 hours na lumilipas ay nadadagdagan ng isang araw.

3. Kung ayaw niyo nung video, sisihin ang studio na gumawa kasi kahit konting concept wala siyang binigay.

4. Sobra-sobra sa effects, pramis.

OK! Di niya talaga ako fan pero gusto ko na din sabihin kung bakit ako gumawa nito. So-so lang din pala sakin yung kanta a? Muntik-muntikan pa ko maLSS.

Dahil sa kantang iyon lalong nakita ang immaturity ng mundo. Pramis. Kung immature ang panunood ng Power Rangers kahit college ka na sasabihin ko sayo: HINDI! HINDI IMMATURE IYON! ANG GANDA KAYA! Yaaah! Power Rangers Lavander! Transform! Siguro dapat matuto ang mundo maging mature. Alam kong magiging ipokrito ako sa sinabi ko pero di nga naman ako role model. Pero diba, kuha mo naman punto ko? Kung walang magandang sasabihin, wag na magsalita. Ayaw mo naman siguro kung ganun din trato sayo ng ibang tao. Maging mature tayo, kung magcocomment ka man ng di maganda, okay lang. Pero sana tungkol sa kanta hindi sa tao. Attack the song not the singer. Di rin niya kelangan ng anorexia para lang magustuhan mo siya e. K?

Plus kumakalat na ang salitang 'hate' na nakaka-BV. Hate? Alam mo ba yun? Yan ang rason kung bakit may masama e, at patayan. Lumalabas ang tunay na kulay ng mga tao dahil sa salitang yan. BV grabe. Tsk tsk. I hate this!

Sa tingin ko din biktima si RB ng 'and back when I was rappin' for the thrill of it, nowadays we rappin' to stay relevant' -- kanta nga yan ni B.O.B. Krimen bang gawin ang passion mo? Masyado ng negative ang mundo. Bad trip. Oo, naging vocal pero walang ibang lumabas kung hindi masamang balita. Gusto niya lang kumanta, hindi puwedeng kayo ang magdikta kung kakanta siya o hindi.

At kaysa gumawa tayo ng 'I hate RB' ay gumawa na lang tayo ng 'I help Japan'. O diba? Kahit mali grammar ang ganda pakinggan? Speaking of Japan, alam mo bang idodonate niya ang perang malilikom niya sa kantang Friday? Hindiii. Di mo alam yun! Tsk tsk. Hate pala a. She's a great kid with a great heart. Di lang siguro publicity stunt yan, there's more to it.

Guys, masyado ng napalaki ang issue na ito na umabot sa death threats. Kahit sabihin niyong joke time lang yun o kaya hindi niyo naman gusto mangyari iyon. Masama pa din. Magbomb joke ka nga e, kulong na. Death joke pa kaya? Please, maging mature tayo . Ayokong patamaan ang dapat tamaan kasi wala naman akong gustong patamaan. Gusto ko lang ilabas ang saluobin ko. Di tayo perpekto at iyon ang rason kung bakit tayo perpekto. Sana naman maging tao tayo at isipin muna ang gagawin. Ok? Mabait siyang tao at alam kong ikaw din. Maliban na lang kung mamatay tao ka, ibang usapan yun.

Dahil sa atensyon na nakukuha niya sa murang edad ay malamang kayo ang sisisihin kung isang araw na lang ay makitang walang malay si Rebecca Black pero kayo din ang rason at balang-araw ay maging mas sikat pa siya kay Justin Bieber, na-dislike niyo din dati. Sa tingin ko na-accomplish ng kanta ang dapat nitong gawin at iyon ay mapanatili itong tumutugtog sa ulo ninyo.

Sigurado ako tumutugtog ngayon ang Friday sa ulo mo. It's Friday! Friday! Ay shemay Tuesday pala.

Saturday, March 26, 2011

KJ ka sa earth hour? Basahin mo to!

AYAW KO MAG-EARTH HOUR!

Ayan ang ilan sa mga narinig ko ngayong padating na 8:30, March 26, 2011. Ayaw nilang mag-earth hour, nakakatawa pakinggan ngunit alam mo naman siguro ang ibig sabihin niyan. Di ko alam kung bakit o ano ang rason nila at tumiwalag sila sa taunang tradisyon upang masalba ang mundo natin.


Para malaman mo na din kung anung meron sa earth hour. Ginawa itong earth hour dahil lumalala na ang global warming. Isang paraan ito para maging maalam ang tao na nanganganib na ang tinitirahan nating planeta, ang Earth. At bawasan naman ang pamumutas sa ating ozone layer.

Konti lang naman ang hinihingi sa earth hour e, patayin ang ilaw at di ginagamit na aplayanses nang isang oras. Oo, isang oras. Mahaba ba yun? Kaya sa mga taong ayaw sumama sa anuwal na pangyayari, bibigyan ko kayo ng pwedeng gawin habang nakapatay ang ilaw. Para di naman kayo ma-BV dahil wala kayong ginagawa.


1. Star gazing. Isa ito sa mga pinakamagandang gawin habang patay ang lahat ng ilaw. Mas madaling makikita ang mga bituin dahil mas konti ang nakabukas na ilaw. Dahil din sa light pollution kaya bihira ng makita ang mga tala kahit klir ang langit. Puwede ring family bonding!

2. Umupo sa front porch at mag-usap usap. Kung wala kayong front porch, pagawa kayo!  Joke. Maganda sigurong lumabas muna, lasapin ang hangin, palunod sa ilaw ng buwan, at magusap. Kung busy ka sa trabaho, magandang pagkakataon ito para makapaghabol sa mga nalampasang  pangyayari. Kung wala ka namang trabaho, magusap na lang kayo ng mga bagay na di niyo pa masyadong alam sa isa't isa. (e.g favorite color ng underwear, ilan ang puting buhok sa ilong) Magandang paraan ito para mabuo ang bond sa mga naguusap. Puwede ring family bonding!

3. Makipaglaro. What a nice thing to do is to go back memory lane! Kung may anak ka na, makipaglaro sa kanila ng mga sina-unang laro. Kung teenager ka, makipagjamming sesyons sa barkada. Kung bata ka naman, panigurado wala ka sa labas at nakadikit ka sa nanay o tatay mo. Malamang, tinatakot ka na ng mga magulang mo tungkol sa mga nangunguha ng bata tapos kukunin ang lamang loob o kaya naman baka makatapak ng nuno at itratransform ka nila at magiging kariton ka! Yung parang sa transformers! O hayop ba yun. Pero ito ang napakagandang panahon at mag-astang bata at maglaro sa ilalim ng buwan. Okay lang yan, madilim naman e, di ka nila makikilala. Puwede ring family bonding!

4. Sexy time. Kung ikaw ay 16 pababa, tumigil ka na sa pagbabasa nito. Ayaw kong mapollute ang utak mo sa kung anong meron dito. Pero dahil makulit kang bata ka, ito ay yung time na magpipiling sexy ka. Sasayaw ka, madilim naman di ka nila mapapansin. O, okay na. Tigil na, wag ka na magbasa. . . . . . . . .


Sige basa pa . . . .


Ang kulit talaga o . . . .


Wala ka ng makikita pagkatapos nito, pramis . . . .


Sabing wala na e, walang ng tungkol sa sexy time . . . .


Kakulitan nga naman o, anak ka ng nanay mo e . . . .


Basa pa! SIGE! BASA PA!


Lang hiya naman o. Wala na nga, plis? Wala na talaga . . . .


Dahil masunurin kang bata at nagbasa ka pa. Ito na talaga, magandang pagkakataon ito sa mga couples para gawin ang kanilang labidabs moment. Patay ang mga ilaw, madilim ang paligid at ang buwan lang ang nagbibigay liwanag. O napakagandang pagkakataon ito. Medyo mainit nga lang pero mas okay yun. Nakakapayat! Kung kakayanin, paabutin niyo ng isang oras para sakto puwede na ulit magTV. Mayroon na ulit enterteynment! Hindi ata puwedeng family bonding!


5. Gipit moves. Kung gipit ka na at wala ka pang trabaho. Kung ang kinakain mo ay tira-tira ng kapitbahay mo. Kung baon ka na sa utang at palagay mo wala ng paraan. Wag mag-alala! Ang earth hour ang iyong takbuhan! Dahil patay ang ilaw, at nakapatay din ang kuryente, magandang pagkakataon ito mang-akyat bahay! Oha! May gawain ka na para sa isang oras, meron ka pang extreme tripping na magbibigay ng adrenaline rush! Pagnahuli ka ng iyong kapitbahay, paniguraduhing ibalik kaagad ang gamit at sabihin mo trip mo lang itest yung eye sight nila sa dilim. Hindi ka lang nakagawa ng pangpalipas oras, nasubukan mo pa ang talas ng pakiramdam ng mga kapitbahay mo! Ngayon dahil doon, alam mo na kung kaninong bahay ang aakyatin mo at kanino ang hindi. Puwedeng - puwedeng pangfamily bonding!

Dahil nabigyan na kita ng top five na puwedeng gawin ngayong earth hour, wala ka ng rason para hindi makisali. Minsan sa isang taon na nga lang magiging KJ ka pa. Kung uso pa din ang weakest link malamang ikaw na ang navote out. Kaya wag ng magpasikat, maki-join na! Bahala ka, pagbiglang nagkaroon ng pagtaas ng tubig dahil sa pagtunaw ng yelo sa Antartica at lumubog ang ilang parte ng Pilipinas. Mababadtrip sila ng todo-todo at sayo pa mailalabas. Isipin mo din, baka ikaw pa masisisi.  Para sa'yo din yan.

Mamayang 8:30 patayin lahat ng ilaw at makisali. Para sayo din ito, at para sa anak mo, at sa anak ng anak mo, at sa anak ng anak ng anak ng kapatid mo, at sa apo ng anak ng pamangkin ng kinakapatid ng kapitbahay mo, at sa pamangkin ng kapatid ng nagiisang tita ng nagbabasa nito, at sa mga nagsstruggle na jumejebs ngayon. Pramis, wala namang mawawala (maliban na lang kung ikaw mapagtripan ng mga akyat bahay) Maki-earth hour na!

    

Friday, March 25, 2011

Tamang paraan nang pagsasayang ng oras

GET THAT WEAK STUFF OUTTA HERE!


Haaay. Nakakamiss ang sigaw ng komentator ng Cleveland Cavaliers tuwing nakakachase down block si Lebron. Yung tipong sumisigaw na parang humihingi ng tulong mula sa snatcher. Haaay. Nakakamiss. Nakakalungkot lang at lumipat si Lebron sa Miami kung kaya't iba na ang komentator. Medyo okay naman din siya pero wala pa din tatalo doon sa Cleveland komentator.


Anu nga ba ang chase down block? Medyo corny nga itong bagay na 'to pag-usapan dahil: unang-una baka wala kang paki-alam sa basketball, pangalawa kung meron man ay baka wala kang alam sa mga terms nito, pangatlo baka fan ka lang ng national basketball natin o PBA kasi walang ganyan duon, at pangapat baka nagbabasketball ka lang, kagaya ng matatanda, para papawis.

Sige, dahil kanina pa yung tanong kung ano ang chase down block sasagutin ko na baka maurat ka pa sa pagbabasa at di mo na ito tapusin. (Pero sasabihin ko sayo, baka masayang lang oras mo.) Ang chase down block ay isang uri ng pagpigil sa isang manlalaro makaiskor mula sa isang fastbreak. Pagnagkakaroon kayo ng pagkakamali sa isang play ay kinukuha ng kalaban ang oportunidad at umiiskor ng mabilisan. Bubutatain ang kalaban pagkatapos siyang habulin bago pa man niya maishoot ang bola. Kung di mo yan naintindihan panuorin mo na lang ito:


Grabe no? "Not giving up on the plaaay!" ani ng isang komentator. Not giving up nga talaga ako ngayon para ma-amuse ka sa pagsasayang mo ng oras.

Sabi nila kung magsusulat ka ng bagay na gusto mong maraming magbabasa dapat ay iyong magiging interesado ang tao. Ang problema bagsak kagad ako sa aspetong iyon. Sa totoo lang, gusto kong walang magbasa ng blog na ito dahil walang kuwenta naman ito. Gumagawa lang ako nito para ilabas ang nararamdaman ko. Meron ako ngayong chickenpox kung kaya't sobrang bored ako. Ayun, dito ko nilalabas ang boredom ko.

Ngayon alam mo na ang rason ng pagsulat ko nito. Patawad. Ipapapramis ko na gagawa ako ng medyo may sense na blog sa susunod, kung iyon ay maisipan mo pang magbasa nito. Pero pramis talaga, cross my heart, dont hope to die! Ayoko pa mamatay e. Gagawa ako ng maayos at interesanteng bagay.


Okay. Nalabas ko na ang gusto kong ilabas, ipon nanaman ulit ng susunod kong ilalabas! Ciao! *Tama ba spelling? Hihihi.

Tuesday, March 22, 2011

Sino sikat?

gusto kong maging bida sa isang movie. kasi ang bida kahit di guwapo sumisikat at maraming nagkakagusto. parang ang sarap ng ganong feeling. yung tipong: "uyy si Brix oh!" tapos pagkakaguluhan ako. eh medyo iba akin eh: "uyy si Brix oh" pero dala-dala nila pamalo at pamatmat imbis na ballpen at papel. minsan kasama pa ang tanod. malas.

nakaisip ako ng isang publicity stunt. sumikat si Pier Roxas dahil sa kung anung pinag-gagawa niya sa buhay niya. ayun. nakalimutan niya yung 8 days ng buhay niya. gagayahin ko siya. gagawa din ako ng ganung video. mas cool nga lang yung story. pinaghirapan ko gawin yung script nyan at storyline. wala akong ginaya. here's a spoiler ( ako lang nagisip nito ah ):

"please i need your help, you can call me Brix Mutia. i woke up on this pier other than that i dont really have any info. as to what happened. *breath* i have this bruuuise, and i have no idea how i got that. and this, does anyone recognized the shape? *then my phone falls and fix it afterwards* i checked my pockets for leads but it turns out my wallet is missing. instead i found these: *puts out a key* i have no idea what this is for. and i found this parking ticket from 8days ago. and thiiiis ...*puts out a globe sim* *fades to black* ..."

ilang parts pa lang yan sa upcoming break out video ko. sorry sa spoiler ah, maeenjoy niyo pa din yun kahit alam niyo na yung ibang parts dun. :D ang cool ba?

dont worry, di ako nakakalimot. di ko kayo makakalimutan pagsikat na ko. thank you. :D

ang showbiz ay parang lotto, may chansa kang manalo. may chansa ka ding matalo. wag ka na lang tumaya kung ganun.

ps. antagal ko ng di gumgawa ng note(wala nmang sumusubaybay). namiss ko plus di pa ko gumagawa ng assign. patay kay nanay.